Sylvia Sanchez, lumabas ang pagka-super fan, 2 beses nanood ng concert ni Madonna

Sylvia Sanchez, lumabas ang pagka-super fan, 2 beses nanood ng concert ni Madonna

Sylvia Sanchez With Husband Art Atayde, Daughters Ria & Gela With Tintin Bersola And Julius Babao At Madonna's Concert
Sylvia Sanchez With Husband Art Atayde, Daughters Ria & Gela With Tintin Bersola And Julius Babao At Madonna’s Concert

Super fan talaga ang aktres na si Sylvia Sanchez kapag idol niya ang isang artista or singer.

Kaya nga nang pumunta ang Pop Queen na si Madonna sa bansa para mag-concert sa Mall Of Asia Arena last Wednesday and Thursday evening, dalawang beses pinanood ng aktres ang concert ng kanyang idol.

“Nasa buck list ko si Madonna at Michael Jackson. Ngayon na napanood ko na si Madonna, si Barbra Streisand na lang ang kulang para makumpleto na ang pagka-fan ko.”

Noong first night ng concert, kasama ni Sylvia Sanchez ang mister na si Papa Art Atayde at ang dalawang dalagang anak na na sina Ria at Gela. “Si Arjo, nasa taping ng ‘Ang Probinsiyano’,” pagkukuwento niya. ‘Yong second night ng concert, ang mga beki friends naman niya ang kasama na nanood ng show.

Kung may pagkakataon lang na gusto ng idol niyang si Barbra Streisand na muling bumalik sa concert scene ay kukumbinsihin ni Ibyang ang mister na i-produce sa ‘Pinas ng show ang idol niya.

“Pero enjoy ako sa conert ni Madonna kahit the same repertoire ang napanood ko. Idol na idol ko ‘yan,” pagmamalaki ng aktres.

Sa ngayo na katatapos lang ng morning serye na “Ningning” ni Ibyang, happy siya sa pagbibigay ng importansiya ng Kapamilya Network sa kanya. Dahil after more than two weeks of vacation ay may bagong teleserye na naman siya na dapat abangan ng mga manonood.

“Hindi ko pa p’wedeng sabihin kung sino ang nasa cast at ang detalye. Bawal pa,” sabi ng aktres sa amin.

Sa kasalukuyan, busy siya sa taping ng new teleserye niya. “Balitaan kita sa detalye kapag p’wede ko nang ikuwento,” sabi ng aktres sa short tsikahan namin sa cellphone.

Reyted K
By RK VillaCorta