Sylvia Sanchez, kinukumbinse ni Mother Lily na mag-produce ng pelikula!

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, kinukumbinse ni Mother Lily na mag-produce ng pelikula!

Sylvia Sanchez, kinukumbinse ni Mother Lily na mag-produce ng pelikula!
Sylvia Sanchez

EKSENANG tsikahan nina Mother Lily at Sylvia Sanchez. Sabi ng Regal Matriarch Monteverde sa aktres: “It’s about time you produce, I will guide you. Hindi tayo puwedeng magsosyo baka mag-away tayo. You know what you’re doing, you’re a smart girl and you have a good heart.”

ADVERTISING

Sa Regal Films nagsimula si Sylvia at pawang supporting roles lang siya noon o kaya ay nadadaanan lang ng camera pero hindi iyon naging dahilan para ma-down ang aktres bagkus ay nagsikap siya kaya naman marating niya kung anuman ang mayroon siya ngayon.

Kaya siguro nasabi ni Mother Lily na panahon na para mag-produce rin ng pelikula ang aktres dahil alam nito ang ginagawa niya. May focus ang aktres sa lahat ng mga ginagawa niya.

Pero si Ibyang (tawag namin sa aktres) mas nagulat sa reaksyon niya nang bigyan siya ng ilang posters ng “Mama’s Girl” para maipamigay at remembrance na rin niya. “Sa wakas, nagkaroon na rin ako ng poster na may pangalan at mukha ko.

ADVERTISING

“Imagine sa 27 years ko sa showbiz ngayon lang ako nagkaroon (bukod sa indie movie na ‘Nay) nito. Ipapa-frame ko talaga ito.”

Sylvia Sanchez, kinukumbinse ni Mother Lily na mag-produce ng pelikula!
The cast and director of Mama’s Girl

Today, January 15 ay premiere night ng pelikulang may hugot at tagos sa puso  sa Trinoma Cinema 8. Reminder ng mga nakapanood na ng pelikula na magdala ng tisue paper para pamahid sa luha.

Makakasama sa “Mama’s Girl” sina Karen Reyes, Yana Asistio, Allora Sasam, Diego Loyzaga at Jameson Blake mula sa direksyon ni Connie Macatuno at sa panulat ni Gina Marissa Tagasa at mapapanood na sa darating na Wednesday, Jaanuary 17 sa mga sinehan sa buong bansa.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING