Sylvia Sanchez, kayamanan ang mga nakukuhang award

Sylvia-SanchezKAYAMAN DAW na maituturing ni Ms. Sylvia Sanchez ang kanyang mga tropeyong nakukuha sa mga award-giving bodies. Dahil sa mahabang panahon niya bilang isang actress, mas lumawak ang pagmamahal niya sa industriya.

“Noon kasi, hindi ko akalain na ito na ang magi­ging pang-habambuhay kong propesyon, kung saan dumaan din ako sa maraming pagsubok. At ‘yun ‘yung naging inspirasyon ko para pag butihin ang trabaho ko.

“Kaya nga mas lalo ko pang pinag-iigihan ang aking talento para mas dumami pa ang proyekto ko at magampanan ko ito nang maganda at tama.”

Ysa Skin and Body Experts at Ysa Products, may pasabog sa 2016

HINDI PAHUHULI ang Ysa Skin and Body Experts kung paramihan ng endorsers ang pag-uusapan dahil marami-rami na rin ang mga artistang nag-eendorso nito katulad nina Louise Delos Reyes, Regine Tolentino, Upgrade, Diane Medina, Pabee Girls, Shaun Salvador,. atbp.
Kuwento nga ng maganda at napakabait na owner ng Ysa Skin and Body Experts na si Ma’am Sheila Hernandez Nazal na by 2016 ay magkakaroon sila ng engrandeng event kung saan naroon ang lahat ng kanilang mga endorsers.
Bukod nga sa Ysa Skin and Body Experts, may mga produkto rin sila na talaga namang effective na nakakaganda ng kutis katulad ng Ysa Kojic Soap, kung saan si Julie Anne San Jose ang endorser. Meron din silang toner, sunblock cream, whitening lotion, atbp.
Kuwento pa ni Ma’am Sheila, ilan sa edge ng kanilang skin center ang kanilang medicine na sila mismo ang gumagawa at ang magandang serbisyo mula sa kanilang mga tauhan.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleGay TV host comedian, dugyutin at halos mamalimos na
Next articleMayor Herbert Bautista, parang talk show ‘pag nakipagtsikahan sa press

No posts to display