Sylvia Sanchez, kailangang mag-imbak ng pondo para sa teleserye

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, kailangang mag-imbak ng pondo para sa teleserye

Sylvia Sanchez with her family
Sylvia Sanchez with her family

Ngaragan ang taping ng “The Greatest Love” ni Sylvia Sanchez.

Itong Christmas week, taping siya para sa afternoon serye na aminin man ng mga intrigero’t nagne-nega sa show, mataas ang nakukuhang rating ng TGL kumpara sa kalaban na panghapong teleserye.

Araw-araw ang taping ni Ibyang para makapag-canned sila ng ilang episodes habang on vacation ang mga artista ngayong Christmas Season.

Lalo na sa sitwasyon ni Ibyang na aalis sila ng pamilya niya for London sa Sunday, December 25 at sa January 4, 2017 na ang balik niya; kailangan nga talaga nilang mag-imbak ng pondo for the serye.

ADVERTISING

Sa magandang feedbacks ng show na nakukuha nila; isa sa super happy ang aktres sa magagandang nangyayari sa career niya for 2016.

After almost 27 years of waiting ay dumating pa sa kanya ang pagkakataon na magbida siya sa sariling teleserye na deserving naman talaga.

“Kaya ang laki ng pasasalamat ko sa Itaas. Hindi pa rin niya ako pinababayaan. Salamat din nang marami sa mga suporta nila sa mga anak ko na sina Arjo at si Ria,” kuwento niya sa amin.

Si Ria nga pala, isa sa mga artista ng bagong pampa-good vibes na serye ng Kapamilya Network na “My Dear Heart” na sa 2017 mapanonood. At si Arjo, tuluy-tuloy pa rin ang pagiging bad cop niya sa “Ang Probinsiyano” na tunay namang kinamumuhian siya ng manonood as Joaquin. Pero sa mga nagtatanong sa amin kung totoong bad ang aktor, diretsahan kong sinasabi na si Arjo ay very good boy.

In short, magaling lang talaga siyang umarte para mapaniwala ang manonood sa karakter niya sa action serye.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING