Sylvia Sanchez, kabado sa bago niyang teleserye

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, kabado sa bago niyang teleserye

Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez

Kabado ang kaibigang Sylvia Sanchez sa magiging reaksyon ng publiko sa bago niyang teleseryeng “The Greatest Love” na magsisimula nang ipalabas next week.

Based sa mga feedback sa mga nakapanood na ng teaser ng show, hataw raw sa sundot sa puso ang maikling eksena ni Ibyang (tawag namin kay Sylvia Sanchez). Eksena na nagtatanong siya sa kanyang sarili kung hihinto ba siya, kung pagod na siya?

Maikling eksena lang ‘yun na sangkap sa teaser ng bagong serye ng aktres, pero maraming netizen ang nag-react positively sa napanood nila.

“Masaya ako, Roel, at dumating ito sa career ko. Hindi ko ini-expect na sa tanda kong ito sa showbiz ay magkakaroon pa ako ng ganitong chance na magbida sa serye, na sa akin iikot ang kuwento. Ina ako ng apat kong mga anak na may Dementia, na kapag nagtagal ay magiging Alzheimer,” kuwento ng aktres sa amin over coffee last weekend.

ADVERTISING

Nakapag-taping na siya para sa bagong serye. Sa katunayan, may eksena siya na kinunan sa Quirino province (malapit sa Nueva Viscaya), kung saan dumayo pa sila ng production staff and crew para lang sa eksena.

Ang mga kasamahan niya ay tuluy-tuloy ang taping. “Ako this week pa lang talaga magsisimula,” sabi ng aktres sa amin.

“Lahat kami, excited. Dahil bukod syempre sa akin na malaking break ito sa akin, lahat kami nina Dimples (Romana), Aaron (Villafor), Andi (Eigenmann), at Matt (Evans who plays Ibyang’s gay son), masaya dahil may bagong serye ang Kapamilya na sigurado kami na magugustuhan ng manonood. Alam mo naman tayong mga Pinoy, basta kuwento tungkol sa nanay natin, madali tayong madala o ma-touch,” kuwento pa ng aktres.

“This week, araw-araw ang taping ko para mabuo namin ang one week episodes,” sabi ni Ibyang sa amin.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING