Sylvia Sanchez, itinangging lumaki ang ulo ni Sir Chief

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, itinangging lumaki ang ulo ni Sir Chief

Sylvia Sanchez, itinangging lumaki ang ulo ni Sir ChiefSA MGA labi mismo ng mahusay na actress na si Ms. Sylvia Sanchez lumabas ang bali-balitang iniiwasan daw ng production at ng kapawa artista ang lead actor ng hit serye ng ABS-CBN ang Be Careful With My Heart na si Richard Yap.

Ayon kasi sa balita, malaki raw kasi ang pagbabago sa ugali nito simula nang sumikat sa nasabing serye, na dahilan kung bakit inaayawan na ito ng BCWMH people at ng mga katrabaho nito na itinanggi rin ni Ms. Sylvia.

To the rescue ang award-winning actress at kaibigan ni Sir Chief na walang katotohanan ang nasabing issue dahil sobrang bait daw at mahusay na katrabaho si Richard. Ni minsan daw ay hindi nagbago ang ugali nito at nanatili pa ring humble kahit sikat na sikat na.

Dagdag pa nito na hindi nga raw nararamdaman ni Sir Chief ang kasikatang meron siya ngayon, dahil kung ano raw ito nu’ng umpisang nakatrabaho nila ay ganu’n pa rin ngayong sikat na sikat na ito. Hindi nga raw nila alam kung saan nanggagaling ang nakasisirang balita kay Sir Chief. Basta love na love daw nila ito sampu ng production people ng BCWMH.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING