Sylvia Sanchez, hinding-hindi iiwan ang “kapatid” na si Smokey Manaloto

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, hinding-hindi iiwan ang "kapatid" na si Smokey Manaloto

Sylvia Sanchez & Smokey Manaloto
Sylvia Sanchez & Smokey Manaloto

“Alam mong mahal kita  at kahit anong mangyari hinding hindi kita iiwan, sabi mo nga nong nacoma manager natin, tanong mo sa akin kinabukasan, ate, paano na tayo ngayon?  sinagot kita basta kng san ako don ka at kung san ka don ako  pinangako natin sa isat isa mula non na hindi tayo maghihiwalay na magkapatid  kaya heto tayo ngayon, magkakasamang masaya  walang iwanan!!”

Ito ang post ng mahusay na aktres at bida sa inaabangang teleserye ng Kapamilya Network na “The Greatest Love” na si Ms. Sylvia Sanchez sa pagseselebra ng kaarawan ng isa sa itinuturing nitong kapatid na si Brian Paul Manaloto a.k.a. Smokey Manaloto.

Wish nga ni Ms. Sylvia Sanchez kay Smokey, “Wish ko sayo? Ang maging maligaya ka habangbuhay at makamit mo lahat ng minimithi mo  at mag asawa ka na hahaha para may mga pamangkin na ako sayo hahaha basta pangako moks, dito lang ako lagi para sayo, mahal na mahal kita at ng pamilya ko  ️ maligayang kaarawan syo brian paul manaloto      Kainan at inuman na!!!! Yahooo!! Manlibre ka naaaa!!”

Pangako nga ni Ms. Sylvia kay Smokey na kahit na anong mangyari, hindi niya ito iiwan at papabayaan, dahil higit pa sa kapwa artista ang turing nito. Itinuturing na rin nito ang actor bilang kabahagi ng kanilang pamilya.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING