Sylvia Sanchez, gustong i-produce ng pelikula ang anak na si Arjo Atayde

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, gustong i-produce ng pelikula ang anak na si Arjo Atayde

Sylvia-Sanchez-Arjo-AtaydeMULA SA pagiging award-winning actress, gusto na ring pasukin ni Ms. Sylvia Sanchez ang pagpo-produce ng indie film sa mga darating na taon at ang anak daw niyang si Arjo Atayde ang gusto niyang maging bida rito, kasama ang isa pa niyang anak na si Ria Atayde na pinasok na rin ang mundo ng pag-arte.
Dream movie daw ito para sa mahusay na actress, dahil bukod sa pagiging producer nito, magiging part din siya ng nasabing pelikula at aarte kasama ng kanyang anak na isa rin sa maituturing na mahusay na actor sa kasalukuyan.
Pero mas gusto raw muna ni Ms. Sylvia na may mag-produce ng first movie ni Arjo. Ayaw raw kasi nitong masabi ng iba na kaya nagka-pelikula si Arjo ay dahil siya ang producer.
Pero once na may pelikula na itong gagawin mula sa ibang film outfit, tsaka na niya ito ipagpo-produce ng pelikula.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING