Sylvia Sanchez, excited at kabado sa bagong teleserye

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, excited at kabado sa bagong teleserye

Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez

Mixed emotions daw ang nararamdaman ni Sylvia Sanchez sa pagsisimula ng pag-ere sa telebisyon ng “The Greatest Love” ngayong Lunes, September 5, na kauna-unahan niyang pagbibida sa isang teleserye na.
Magkahalong excitement at kaba raw ang nararamdaman ni Ibyang (tawag sa kanyan ng malalapit na kaibigan). Excitement daw dahil sa tinagal-tagal niya sa industriya ay ngayon lang siya nabigyan ng teleseryeng siya ang bida, at kaba dahil hindi nito alam kung tatanggapin ba ito at tatangkilikin ng manonood.
Pero kahit ano man daw ang maging resulta ng kanilang soap, ibinigay raw niya ang kanyang 100% plus para mapaganda ito. Bukod pa sa maganda raw ang istorya ng serye, magaling ang kanilang director at mahuhusay ang kanyang co-stars na sina Dimples Romana, Arron Villaflor, Matt Evans, at Andi Eigenmann.
Dagdag pa ni Sylvia, punum-puno raw at mabubusog ang manonood sa magagandang aral na hatid ng serye, bukod sa magagandang performances mula sa bumubuo ng casts nito.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING