Sylvia Sanchez, emosyonal sa pagsisimula ng pinagbibidahang serye

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, emosyonal sa pagsisimula ng pinagbibidahang serye

Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez

“Sa mga oras na ‘yan, ‘di ko mapigilang ti­tigan ang poster naming at tingnan ang sarili ko, ang tanging nasa isip ko lang ay ang magtanong, ako ba talaga ‘yan? Totoo ba ‘to? At big­lang matatawa na lang ako nang palihim at ang tanging nasasabi ko na lang ay ang, salamat PA­NGINOONG JESUS sa regalong ito!! Ilang beses ko na pong napatunayan ang pagmamahal mo sa akin mula noon hanggang ngayon, ‘di po kayo nagsasawang gabayan ako at mahalin, maraming maraming salamat po, at sa araw na ‘to ang pinakabago mong regalo sa akin sa amin ang #thegreatestlove ay magsisimula na po, ilang minuto na lang po. PANGINOONG JESUS bahala na po kayo, your will be done po, walang hanggang pasasalamat, I’m giving you back the glory LORD!! #happiness #priceless #thankful #grateful #blessed #thegreatestlovebegins.”

Ito ang post ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa pagsisimula ng kanyang pinagbibidahang teleserye sa Kapamilya Network, ang “The Greatest Love” na napanonood Mondays to Fridays, 4:30 p.m.

Hindi nga raw maiwasang maluha ni Sylvia sa mga magagandang komentong natatanggap sa kanyang portrayal bilang ‘Gloria’ sa serye.

Naibsan nga raw nang bahagya ang kaba nito sa kung magugustuhan ba o hindi ng mga manonood ang kanyang kauna-unahang pagbibida sa isang malaking serye ng Kapamilya Network sa mga papuring natatanggap nito sa kanyang mahusay na pagganap sa nasabing serye.

ADVERTISING

Pasasalamatan nga raw ang nais nitong iparating sa lahat ng mga taong nagpo-promote ng serye mula sa kanyang mga nakatrabahong artista, press people, kaibigan, tagasuporta, at lalung-lalo na sa kanyang pamilya.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING