Sylvia Sanchez, ‘di na basta support lang sa bagong serye ng Dos

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, ‘di na basta support lang sa bagong serye ng Dos

 Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez

Happy ang award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez, dahil after ng matagumpay na pagpapalabas ng “My Super D”, kung saan ginampanan niya ang role bilang butihing ina ni Dominic Ochoa (Super D), may kasunod na kaagad siyang teleserye sa Kapamilya Network.

Ito ang “The Greatest Love”, kung saan gagampanan naman ni Ms. Sylvia Sanchez ang role bilang Gloria, ang ina nina Dimples Romana, Aaron Villaflor, Matt Evans, at Andi Eigenmann.

Masasabi naming bidang-bida na nga sa bagong teleserye ng Kapamilya Network si Ms. Sylvia at kitang-kita ito sa teaser pa lang ng nasabing tleserye.

Paniguradong kapupulutan ng aral ang “The Greatest Love”, lalo na’ t tumatalakay ang nasabing serye sa usapin at suliranin sa pamilya.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING