Sylvia Sanchez, ‘di man nanalo, proud at masaya pa rin sa pagkapanalo ng mga anak na sina Arjo at Ria Atayde sa Star Awards for TV

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, 'di man nanalo, proud at masaya pa rin sa pagkapanalo ng mga anak na sina Arjo at Ria Atayde sa Star Awards for TV

Arjo Atayde, Ria Atayde and Sylvia Sanchez
Arjo Atayde, Ria Atayde and Sylvia Sanchez

Gusto ko lang i-congratulate ang dalawang mga artista na malapit sa akin personally. Ang magkapatid na sina Arjo Atayde and Ria Atayde for their effort para maging magaling sila sa kanilang napiling propesyon bilang mga artist.

Congrats Arjo for winning Best Supporting Actor in a Drama Series for “FPJ’s Ang Probinsiyano” and Ria Atayde for Best New Female TV Personality for her performance in “MMK’s” Puno ng Mangga episode.

Sayang, ang kaibigang Sylvia Sanchez, hindi niya naiuwi ang parangal sa kategoryang Best Supporting Actress for “Ningning”, pero happy siya sa pagkapanalo ng dalawa niyang anak.

Pero para sa aktres, happy na siya dahil ang mga anak niya ay nanalo at siya naman, happy sa magandang komento ng publiko sa magandang reviews ng kanyang panghapong teleseryeng “The Greatest Love” na napanonood pagkatapos ng “Doble Kara” sa Kapamilya Network.

ADVERTISING

I’m sure, sa next PMPC Star Awards for Television, kalaban nang husto si Ibyang sa kanyang performance nilang “Nanay Gloria” sa madramang panghapong serye.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING