Sylvia Sanchez, ‘di alam ang gagawin ‘pag naka-face-to- face ang amang nag-abandona sa kanila

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, ‘di alam ang gagawin ‘pag naka-face-to- face ang amang nag-abandona sa kanila

Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez

Hindi raw alam ng isa sa main cast ng ABS-CBN’s newest teleseryeng “My Super D” na si Sylvia Sanchez ang kanyang gagawin kapag nakita niya, face-to-face, ang tatay niyang nag-abandona sa kanila nu’ng bata pa siya.
Ayon nga kay Ms. Sylvia Sanchez, “Alam mo, iniisip ko ‘yun. Ano ang sasabihin ko sa tatay ko? Alam mo sa totoo lang, hindi ko alam. Wala. Basta ang alam ko, hahagulgol ako, ‘yun lang.
“Kasi miss ko siya hanggang ngayon, hoping ako na magkita kami. Hoping ako na mayakap siya, hoping ako na maramdaman ‘yung sinasabi nila, ‘yung positibo na nayayakap, na sinusundo, never ko kasi na naranasan ‘yun.
“Basta ngayon wala akong ibang hinangad kung hindi gusto ko siyang makita, gusto ko siyang mayakap. Wala nang sumbatan sa nakaraan, wala nang bakit mo kami iniwan, bakit ganito, bakit ganun…. Tapos na kasi ‘yun.

ADVERTISING

“‘Yun nga kasi ang naging lakas ng loob ko, dahil nga sa ginawa niya naging okey ang buhay ko, nagpursige ako sa buhay, naging successful ako, dahil du’n sa kanya.
“Kumbaga sabi ko nga, broken family ako, pero hindi ako naging gago na anak. ‘Yung sabi ko, ‘di ba, hindi reason sa akin na dahil broken family ka kaya napapariwara ka, kaya nagiging gago ka sa buhay. Hindi totoo ‘yun, nasa pagkatao mo ‘yun. Choice mo ‘yun , choice mo kung ano ang magiging kinabukasan mo, kaya wala kang ibang sisisihin, kung hindi sarili mo,” pagtatapos ni Ms. Sylvia.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING