Sylvia Sanchez, deadma lang sa bashers ni Arjo Atayde

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, deadma lang sa bashers ni Arjo Atayde

Sylvia-SanchezSA HALIP na magalit, dinedma na lang ni Sylva Sanchez ang mga batikos sa anak na si Arjo Atayde. Ikinagulat ni Sylvia na nasulat sa website na si Arjo raw ay kahawig ng co-host at pamangkin ni German Moreno na si John Nite.

Ayon kay Sylvia, nagulat siya at hindi naman nagalit dahil parte raw kasi ito ng journey ng anak nang pasukin ang showbiz.

Ayon pa kay Sylvia, marami raw bashers ngayon si Arjo na mas matindi ang mga banat kung ikukumpara sa mga panulat. Minsan daw nang mag-mall si Arjo ay may lumapit na matandang babae at kahit pabiro raw ay sinabihan ito ng “salbahe” dahil sa role nito sa seryeng Pure Love na napapanood sa ABS-CBN with Alex Gonzaga.

Sabi pa ni Sylvia, kung siya lang daw ay hindi masyadong apektado, pero ang kanyang anak daw ang apektado dahil hindi pa ito sanay sa mga harsh comment.

ADVERTISING

Well, dapat sigurong masanay na si Arjo sa matatanggap na batikos sa darating pa sa kanya dahil pinasok niya ang showbiz. Ang dapat ipagamba at ikatakot ni Arjo ay kung wala nang bumabatikos sa kanya dahil nangangahulugan lang ito na hindi na siya kilala na isang artista.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING