Sylvia Sanchez, break muna sa paggawa ng soap

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, break muna sa paggawa ng soap

Sylvia-SanchezTHREE MONTHS daw ang gustong pahinga ng mahusay na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez bago siya muling gumawa ng teleserye.

“‘Yung katawan ko, gusto ko munang ipahinga para pagbalik ko, fresh ulit. Ayoko namang mag-jump ulit ng panibagong show na pareho ng mukha, parehong kataba.”

Dagdag pa nito, “Gusto ko, pagbalik ko, medyo may kapayatan, iba naman ang style ng buhok. Ayoko noon, ‘no! Pero siyempre, kung halimbawa MMK or Wansapanataym, ‘yung mga ganoon, oo.

“Ibig kong sabihin, pahinga lang ako sa paggawa ng soap, ‘yung regular taping. Kasi sa ngayon, ano’ng maio-offer kong bago na maigsi ang buhok ko, ‘tapos ganito ang katawan ko? ‘Di ba, wala?

ADVERTISING

“So, three months ‘yun. And at the same time, gusto kong i-enjoy ang pamilya ko muna. Tsaka kaya kong pumayat kapag seseryosohin, pumapayat naman ako at nagawa ko na dati ‘yan, ‘di ba?” Pagtatapos ni Ms. Sylvia.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING