Sylvia Sanchez, ayaw ng maldita at pasaway na GF sa kanyang anak na si Arjo Atayde

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, ayaw ng maldita at pasaway na GF sa kanyang anak na si Arjo Atayde

Sylvia-Sanchez-Arjo-Atayde“AYOKO NG maldita kasi kung kalaban ko, wala. Hell ang buhay ng anak ko. Hell ang buhay nilang dalawa, ‘di ba?”

Ito ang pahayag ng mahusay na aktres na si Ms. Sylvia Sanchez sa magiging karelasyon ng kanyang anak na si Arjo Atayde.

Tsika nga ni Ms. Sylvia na wala naman sa kanyang problema kung magkakaroon ng GF si Arjo, dahil nasa tamang edad na naman ito para magkaroon ng karelasyon. Pero pinapayuhan lang daw nito ang kanyang anak na pumili ng tamang babae para sa kanya.

Kailangan daw ay mabait, mapagmahal sa Pamilya at higit sa lahat ay ‘yung makakasundo ng kanilang pamilya. Hindi rin daw issue ang katayuan sa buhay ng pipiliing babae ni Arjo as long as kasundo nilang lahat ay okey na iyon.

ADVERTISING

“‘Yung kahit sino siya, mahirap siya, mayaman siya, wala akong pakialam. Basta ang sa akin lang, mahal mo at mahal ka. At higit sa lahat, kasundo namin, pamilya. Mas maganda meron kang girlfriend or ‘yung magiging future asawa mo, kasundo ng pamilya mo.Merong peace of mind ang pamilya. Kasi kung kalaban ko ‘yung babae, salbahe sa iyo, ayoko ng salbahe,” Pagtatapos ni Ms. Sylvia.

Adonis Laxamana, nagbabalik-showbiz

BALIK-SHOWBIZ ANG sumikat noong dekada ‘90 na si Adonis Laxamana na mula sa pagmomodelo noon ay pinasok ang pag-aartista at kung ilang beses ding nagbida sa mga pelikula noon ng Regal Films hanggang sa naisipang mag-lie low at magtungo ng Japan at Canada para magtrabaho at magnegosyo.

Tsika nga ni Adonis na ang udyok daw ng kanyang mga kaibigan at ang kagustuhan na rin nitong umarte muli ang kanyang naging deciding point para bumalik sa mundo ng pag-arte.

“Marami kasi ang nagsasabi sa akin noon na bumalik daw ako ulit sa showbiz kasi sayang naman. Pero nu’ng nag-decide kasi akong mag-lie low noon, mas pinili kong pumunta ng Japan at magtrabaho. Then later on, bumalik ako sa Canada kung saan ako galing bago mag-modelo at mag-aral.”

Sa kanyang pagbabalik ay medyo kabado raw si Adonis kung tatanggapin siya muli ng industriya. Pero anu’t ano man daw ang maging resulta ng kanyang pagbabalik, okey lang, at least nag-try daw siya ulit.

“Matagal ko ring pinag-isipan kung babalik pa ba ako o susubukan ko ba. Kasi nga, iba na ‘yung showbiz ngayon. Marami nang pagbabago at marami nang bago. Pero sabi ko nga, wala namang mawawala kung magta-try ako, lalo na’t napapanood ko pa ‘yung mga nakasama ko lagi, like si Carlos Morales na nagko-kontrabida noon sa akin sa pelikula, pero nand’yan pa rin siya. So, sabi ko sa sarili ko na baka puwede pa rin.

“At ‘yun ‘yung time na nag-decide ako na mag-try ulit. Ako naman kasi kahit anong role basta kaya ko at bagay sa akin walang problema ‘yun. Pero bago ako sumabak sa pag-arte muli, gusto ko munang mag-acting workshops para ma-refresh ko lang ulit ‘yung acting ko, para mas handa ako ‘pag may proyekto na akong gagawin.”

Ilan nga raw sa mga naging katrabaho noon ni Adonis ang gusto niya muling makatrabaho, sina Alma Concepcion, Aya Medel, Criselda Volks, Glydel Mercado, atbp. Ilan sa mga pelikulng pinagbidahan nito ang mga pelikulang Nakawin Mo Ang Aking Puso, Kiskisan, Anak ng Yakuza, Akin ka Lang, Nangigigil Ako Sa ‘Yong Kagandahan, Huling Sayaw, Masarap  Masakit Magmahal, Nakawin Mo Ang Aking Puso, at Kaskasero.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING