Sylvia Sanchez, ayaw magpa-sexy ang anak na si Ria Atayde sa TV at pelikula

Sylvia Sanchez, ayaw magpa-sexy ang anak na si Ria Atayde sa TV at pelikula

Sylvia Sanchez and Ria Atayde
Sylvia Sanchez and Ria Atayde

Dahil sa magandang hubog ng katawan at maamo at magandang mukha, ‘di nakaligtas ang pretty daughter ni Ms. Sylvia Sanchez na si Ria Atayde na alukin na magpa-sexy sa isang proyekto.
Tsika nga ni Ms. Sylvia Sanchez, “Para sa akin, napakaaga pa. Bagsisimula pa lang ang anak ko sa showbiz. Siguro sa ngayon, ‘wag muna. Let’s see kapag matagal na at matured na si Ria Atayde para tumanggap ng medyo sexy na role. Sa ngayon siguro, mas magandang magsimula siya sa mga wholesome na role.
“Sabi ko nga hayaan na lang natin na ako ‘yung nagpa-sexy na dinaanan ko ‘yung punto na nagpa-sexy ako nu’ng nagsisimula ako. Pero ako na lang ‘wag na ‘yung anak ko. Hayaan na natin na maging wholesome ‘yung role na matatanggap ng anak ko.”
Mas gusto raw ni Ms. Sylvia na mas makilala ng mga tao ang anak dahil sa husay sa pag-arte at hindi dahil sa pagpapa-sexy sa kanyang mga gagawing proyekto.

John’s Point
by John Fontanilla