Sylvia Sanchez, awardee sa 2015 Gawad Amerika

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, awardee sa 2015 Gawad Amerika

Sylvia-SanchezNASA AMERIKA ngayon ang award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez para dumalo sa Gawad Amerika 2015 para personal na tanggapin ang kanyang Best Actress Award.
Pagbabalik-tanaw nga ni Ms. Sylvia, minsan na rin niyang pinangarap na magkaroon ng Best Actress Award sa Hollywood at ngayon nga ay nagkatotoo ang minimithi niyang pangarap dahil tatanggap na rin siya ng award sa Amerika.
At kahit nga marami nang award itong nakuha sa iba’t ibang award-giving bodies, excited pa rin daw si Ms. Sylvia sa tuwing tatanggap ng panibagong award lalo na ngayon at sa Amerika naman ito bibigyan ng parangal.
Ang ganito raw na parangal at mga tropeyong kanyang tinatanggap ang nagsisilbing inspirasyon sa kanya para mas paghusayan pa ang kanyang pagganap sa mga proyektong dumarating sa kanya.
PMPC, handang-handa na sa 7th Star Awards for Music

 

HANDANG-HANDA NA ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa paghahandog ng natatanging karangalan sa mga alagad ng musika sa 7th PMPC Star Awards For Music, sa ika-10 ng Nobyembre, 2015, ika-8 ng gabi, sa KIA Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Magmimistulang concert ang pagtatanghal ngayong taong ito, ang mga hosts ay sina Kim Chui at Enchong Dee, na kapwa may inihanda ring production number.

Maghahandog ng mala-concert na performance ang mga sumusunod: Erik Santos, Kyla, Christian Bautista, Matteo Guidicelli, Gloc 9 with his band, The Dawn, KZ Tandingan, Morisette Amon, Darren Espanto, Kylie Padilla, Aicelle Santos, Jonalyn Viray, Jason Dy, Sheryl Cruz, Michael Pangilinan, Kean Cipriano and Eunice with his Band, Hannah Nolasco & Mark Mabasa and Friends.
Ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award ay tatanggapin ni Rey Valera; ang Parangal Levi Celerio ay mapapasakamay naman ni Ogie Alcasid, at bilang tribute ay hahandugan sila ng awitin nina Janno Gibbs at Vina Morales.

ADVERTISING

Si Tom Taus ang magsisilbing DJ Host.
Ang 7th PMPC Star Awards For Music ay mula sa direction ni Bert de Leon at produced ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino. Ang kabuuan ng awards night ay mapanonood sa ABS-CBN Sunday’s Best sa November 29, 2015.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING