Sylvia Sanchez at pamilya, nasa Japan nang lumindol ng Intensity 8.5

ADVERTISING

Sylvia Sanchez at pamilya, nasa Japan nang lumindol ng Intensity 8.5

Sylvia-Sanchez-FamilyBUMALIK NA sa bansa ang mahusay na actress na si Sylvia Sanchez, kasama ang kanyang pamilya mula sa isang bakasyon sa Japan.

Kuwento nga ng mahusay na aktres, nasa Japan sila nang biglang lumindol ng Intensity 8.5 na kanilang ikinatakot. Mabuti na lang daw at walang nangyari sa kanila na kanilang ipinagpapasalamat sa Poong Maykapal.

At sa pagbabalik ng mahusay na aktres sa bansa, balik-trabaho na ito, kung saan kasama siya sa casts ng hit remake ng teleserye ng Kapamilya Network na Pangako Sa ‘Yo.

 

ADVERTISING

PAHABOL: BELATED Happy Birthday sa aking pinakamamahal na Nanay na si Mrs. Leonora Fontanilla na nagdiwang ng kanyang kaarawan last June 6, at sa aking pamangkin na si Patty Go na nagdiwang ng kaarawan last June 1.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING