Sylvia Sanchez at pamilya, ligtas sa lindol sa Japan

Sylvia Sanchez at pamilya, ligtas sa lindol sa Japan

Sylvia-Sanchez-Art-AtaydeMAY KALAKASAN ang lindol na naganap sa Japan last Saturday evening. Maraming mga Pinoy na naroroon sa “Land of the Rising Sun” ang medyo kinabahan.

Kami rin kinabahan nang mabalitaan namin na may kalakasan ang lindol, dahil nandu’n ang kaibigang Sylvia Sanchez kasama ang pamilya, together with her husband Art Atayde’s family sa Osaka para sa huling hirit ng bakasyon nila for summer of 2015. Kasama ni Ibyang at Papa Art ang mga anak na sina Ria, Gela at Xavi (minus Arjo dahil may taping ito ng Ang Probinsiyano) at siyempre the whole Atayde family. Almost 25 sila na bumiyahe.

This Japan trip ay pangalawa sa biyahe na ng pamilya ni Ibyang. ‘Yong una ay sa Tokyo sila nagbakasyon, kung saan kumpleto sila at kasama ang panganay na si Arjo.

Sa Osaka, hindi raw naramdaman nina Ibyang ang lindol na nagtala ng 8.5 magnitude sa may bandang Ogasawara Islands na sinundan naman ng isa pang pagyanig with a magnitude of 6.4 sa bandang Izu island na nasa bandang norte lang ng Ogasawara Islands.

Sa text reply sa amin ni Ibyang that late Saturday evening, “Okey lang kami. Nothing to worry. Hindi namin naramdaman dito sa Osaka.”

Anytime this week ang balik ng pamilya nina Ibyang at Papa Art sa ‘Pinas.

Reyted K
By RK VillaCorta