Sylvia Sanchez at Janna Agoncillo, higit 2 linggong nag-taping ng bagong serye sa Palawan

ADVERTISING

Sylvia Sanchez at Janna Agoncillo, higit 2 linggong nag-taping ng bagong serye sa Palawan

Sylvia-Sanchez- Janna-AgoncilloNANG MAKITA namin si Sylvia Sanchez recently, nagulat kami sa kanya. Tila sunog ang mukha. “Nakabilad kami sa shooting,” na ang tinutukoy ay ang bagong teleserye nila ng batang si Janna Agoncillo (of the Dream Dad fame nila ni Zanjoe Marudo).

ADVERTISING

Halos naka-16 days ang aktres sa location taping nila sa San Vicente, Palawan. Kaya nga mula nang dumating last week, halos isang linggo na siyang nagpapahinga. “Ngaragan kami sa set. Taping, uwi sa resort at kinabukasan, early ang call time namin. Walang night life. Walang emote-emote sa beach kahit super ganda ng lugar,” kuwento niya sa amin.

Sa bagong serye nila ni Janna para sa Kapamilya Network, she plays the lola, na kung hindi ako nagkakamali ng eksenang probinsiya nila, pang-establishing sa mga katakter nila ng mga kasamahang mga artista tulad nina Vandolph Quizon at Noni Buencamino. “Nakami-miss din ang Manila, pero okey du’n. Back to nature kami du’n. Nakapagpahinga kami,” kuwento ni Ibyang sa amin.

The week bago sila nakabalik ng Manila, umumi muna ang aktres ng Manila para makasama ng anak na si Gela who celebrated her birthday sa Batangas. From the airport, diretso agad ako sa Fuego para makasama ko ang mga pamilya ko,” na halatang miss na miss ni Ibyang ang mga bagets niya sa halos 16 days niyang pagkawala.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING