Sylvia Sanchez at co-stars sa “The Greatest Love”, nakabibilib ang galing

ADVERTISING

Sylvia Sanchez at co-stars sa “The Greatest Love”, nakabibilib ang galing

Ibang klase ang mga eksenang tumambad sa suking manonood ng “The Greatest Love” last Wednesday. Ang eksena’y sinusumbatan ni Dimples Romana ang inang si Sylvia Sanchez, tapos ay biglang nagblangko ang memorya ni Sylvia at nagtanong sa mga anak at apo kung sino sila. 

Sylvia Sanchez at co-stars sa “The Greatest Love”, nakabibilib ang galing
Cast of The Greatest Love

Of course, ang kasunod nito ay matitinding drama at iyakan. Sure ako na maraming viewers ang umagos ang mga luha sa episode na ito. Dito na nga kasi nabunyag sa mga anak ni Gloria (Sylvia) sa unang pagkakataon (except kay Paeng played by Arron Villaflor na nauna nang nalaman ang karamdaman ng kanilang ina) na may Alzheimer’s disease ito. 

Nakabibilib ang galing ng cast ng “The Greatest Love” sa pangunguna ni Ms. Sylvia. Of course, lahat sila ay very effective at mahuhusay. Pero bukod kay Ms. Sylvia, para sa amin ay lumutang din nang husto ang galing last Wednesday nina Dimples, Matt Evans, at Joshua Garcia. 

Nang last time naming makahuntahan si Ms. Sylvia bago magtapos ang taon, nagbigay ang premyadong aktres ng hint na mas marami pang mga makabagbag-damdaming eksena ang makikita sa “The Greatest Love”. Bawat episode daw ay hindi dapat palagpasin, lalo’t ito na ang part ng story na makikita na talaga ang epekto ng kanyang karamdaman. 

ADVERTISING

“Yes, papunta na roon and ngayon pa lang hindi ko ma-imagine ‘yung pain na mararamdaman ni Gloria ‘pag nawala na totally lahat sa kanya. Kasi mayroon siyang sinabi, ang dialogue niya is parang, ‘Paano pa ako mabubuhay if makakalimutan ko ang mga anak ko?’ Para rin akong pinatay niyon, e,” saad ni Ms. Sylvia.

Dito ipinahayag ng Kapamilya aktres ang mga eksenang hindi dapat palagpasin sa kanilang top-rating drama series. “Matinding iyakan… oo, kumbaga kung ngayon ay naghahanda lang kayo ng lampin, later on ay tuwalya na ang kailangan ninyong gamitin,” nakangiting wika niya. 

Sa mga susunod na episodes ng “The Greatest Love”, sure ako na mas matitinding eksena pa ang matutunghayan ng viewers. Kaya ‘di kataka-takang lalo pang tumaas ang ratings nito. Actually nag-trending pa ang #TGLTheDeepImpact last Wednesday.

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING