Sylvia Sanchez, alay ang serye sa mga inang labis-labis ang pagmamahal sa mga anak

ADVERTISING

Sylvia Sanchez, alay ang serye sa mga inang labis-labis ang pagmamahal sa mga anak

Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez

Tuloy na tuloy na ang pagpapalabas ng inaabangang serye sa Kapamilya Network na “The Greatest Love”, na talaga namang magpapaluha sa mga Pinoy na mahilig na manood ng teleserye, at pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez simula sa September 5, 2016.
Ang “The Greatest Love” ay istorya ni Gloria na ginagampanan ni Sylvia na pinahahalagahan at iniingatan ang kanyang pamilya, may apat na anak, at naniniwala na may pera sa basura mula sa kanyang negosyong junk shop.
Excited na nga raw si Ibyang (tawag ng kanyang mga kaibigan) sa pagsisimula ng pag-ere ng “The Greatest Love” dahil ito ang kanyang kauna-unahang pagbibida sa telebisyon.
Alay nga raw ito ni Ibyang sa lahat ng mga ina na nagmamahal sa kanyang mga anak, at para na rin daw sa mga anak na nagmamahal sa kanilang ina.

 

Tacloban Mayor Cristina Gonzales & Daughter Sofia
Tacloban Mayor Cristina Gonzales & Daughter Sofia

Panganay ni Tacloban Mayor Cristina Gonzales-Romualdez na si Sofia, pinasok na rin ang showbiz

Ang maganda at very talented daughter ni Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez na si Sofia Cristina Romualdez ang pinakabagong dagdag sa pamilya ng Viva Artists Agency.

ADVERTISING

At ito nga ang naging highlight ng magdaos ito ng kanyang 17th birthday last August 22 nang pinapirma siya ng kontrata sa Viva Records at Viva Artists Agency.

Ang kapatid sa panulat at talent manager na si Aster Amoyo ang nagdala kay Sofia sa Viva at nang makita nga ito ni Boss Vic del Rosario at napakinggang umawit, agad-agad na pinapirma ito ng kontrata.

Bukod nga sa pag-arte, malaki ang tsansa ni Sofia na sumikat bilang recording artist dahil na rin sa ganda ng boses nito.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING