Sylvia Sanchez, 2 linggo sa Palawan para sa bagong serye

Sylvia Sanchez, 2 linggo sa Palawan para sa bagong serye

Sylvia-SanchezNAKABALIK NA mula sa pagbabakasyon sa Japan ang award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez at sasabak kaagad ito sa isang napakalaking teleserye sa ABS-CBN na ang ilang eksena ay kukunan sa Palawan.
Two weeks daw na magti-taping ang grupo nina Ms. Sylvia sa Palawan, pero ang ibang eksena ay sa Manila na kukunan.
Huling napanood si Ms. Sylvia sa number one teleserye sa bansa sa ngayon, ang Pangako Sa ‘Yo, kung saan naging espesyal na panauhin siya rito. Maganda ang kanyang naging role sa said serye na tumatak sa isipan ng mga manonood.
Kaya naman very thankful si Ms. Sylvia sa ABS-CBN dahil hindi siya nababakante nang matagal. Pagkatapos ng isa ay may kasunod na kaagad na show, bukod pa sa mga guestings nito sa iba’t ibang shows ng Kapamilya Network.

John’s Point
by John Fontanilla