Sweeter the second time around: Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao, nagkabalikan!

ADVERTISING

Sweeter the second time around: Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao, nagkabalikan!

 

Sweeter the second time around: Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao, nagkabalikan!
Conrad Onglao and Zsa Zsa Padilla

SUPER SAYA ng  lovelife ni Zsa Zsa Padilla dahil nagkabalikan pala sila ng boyfriend niyang si Conrad Onglao.

 “I want to grow old with you,” deklara ni Zsa Zsa sa bf.

Mas sweet ang pagmamahalan nila sa pangalawang pagkakataon. Matatandaan na kinansela nila noon ang kasal nila dahil biglang may pinagdaanan ang relasyon nila.

ADVERTISING

“I guess she’s my life, my life partner,” sambit naman ni Conrad  sa “Magandang Buhay”.

Mas nagkakaintindihan na ngayon ang magkasintahan at  alam na nila ang mga hindi dapat ulitin na kamalian para tumibay ang relasyon nila.

Ang tanong ay kung matutuloy na ang kasal ng dalawa. Darating daw ‘yun at aayusin nila.

Pak!

-0o0-

JOSHUA GARCIA , PINAKILIG SI JULIA BARRETTO!

Sweeter the second time around: Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao, nagkabalikan!
JoshLia: Joshua Garcia and Julia Barretto

KINILIG sina Liza Soberano at Janella Salvador sa post ni Julia Barretto. Nakatanggap siya ng sweet na mensahe  mula diumano kay Joshua Garcia habang nasa hospital ito.

 “I request you to spare the spare bacteria and stop attracting them to your beautiful body.(Your place is not in the hospital,it is in my heart. Your company isn’t meant for nurses, it is for my soul. You don’t deserve strong doses of medicine, you deserve my LOVE.) Get well soon, baba.”

May  PS pa siya na “Nakuha ko lang yung isang sinabi ko sa Google. Pero yun talaga ang nararamdaman ko.”

Letrang J lang ang nakalagay kung  kanino galing ang nakakakilig na note pero ayon sa comments ng netizens ay si Joshua ‘yun.

Ang caption lang ni Julia sa post niya ay  “You sure do know how to make a sick girl’s bad day a good one.”

Talbog!

 

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

ADVERTISING