Sweet na female singer, nagmaldita sa show sa abroad?!

ADVERTISING

HOW TRUE NA nagmaldita ang isang singer nang mag-show ito abroad?
Sa isang fan page ng isang sikat na TV personality ikinuwento ng isang Filipina dancer ang kanyang pagkadismaya sa female singer dahil nagpakita raw ito ng kamalditahan.
Ang claim ng dancer, tinarayan daw sila ng singer at sinabihang kung hindi sila aalis ng stage ay uuwi na lang daw sila. Nang abutan pa raw ito ng bulaklak ng isang bata ay ni hindi man lang ito nagpasalamat. At parang diring-diri daw ito sa Pinoy fans na pumalibot sa kanya noong mag-show siya.
Parang hindi naman ganito ang female singer. Sweet na sweet nga ang image niya at hindi makabasag-pinggan kaya parang ang hirap paniwalaan ng ganitong kuwento.
O baka naman pagod na siya o kaya ay wala sa mood? Ano sa palagay n’yo?

(By Alex Brosas)

ADVERTISING
ADVERTISING