SWAK NA HORROR MOVIE: The Debutantes, swak sa pananakot!

ADVERTISING

SWAK NA HORROR MOVIE: The Debutantes, swak sa pananakot!

SWAK NA HORROR MOVIE: The Debutantes, swak sa pananakot!BONGGA ang red carpet premiere ng suspense-horror film ni Direk Prime Cruz na The Debutantes last night na isinagawa sa bagong Ayala Vertis North Cinema na katabi lang ng Trinoma Mall.
 
Bago. Super linis. Amoy semento pa na nagustustuhan namin kaysa doon sa napakalayo na SM Megamall na mapanghi ang mga rest rooms nila na bukod sa trapik na babagtasin mo from Quezon City patungong Ortigas, stressful ang pagbyahe mo patungong venue ng mga preems ng pelikula.
 
Sabi ng manager ng Ayala Cinema na si Mr. Amir Priscilla na katsismisan naman  ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films, ang naturang mall ay ang Greenbelt ng Kyusi while ang Trinoma na mas masa and Glorietta na dinadayo ng karamihan.     
 
Epek ang lokasyon ng preem. Kumpleto ang limang main stars na sina Sue Ramirez, Jane de Leon, Michelle Vito, Chanel Morales at si Miles Ocampo.
 
 Wagi ang pelikula ni Direk Prime na manakot na ang element ng isang swak na horror movie ay kumpleto.
 
 
Magulat, mag-isip ng bongga at mapapatili ka sa kinauupuan mo.
 
SWAK NA HORROR MOVIE: The Debutantes, swak sa pananakot!
Mother Lily Monteverde with Ayala Cinemas’ Amir Priscilla

Sa tutoo lang, swak na swak ang pelikula para sa mga millennials dahil ang mga eksena na hindi mo alam na may mangyayaring kakaiba ay ikakagulat mo.

 
Pelikulang pangbarkada na ikaw na nanonood ay hindi mo alam kung sino ang salarin sa isa-isang pagkamatay ng mga Star Magic It Girls na mga bida sa pelikula.
 
Ako na mahiligin sa mga suspense-horror movie, from the katsipan na zombie movies na B or C category or even and latest na Annabelle na waley at di hamak na mas maganda ang unang “Annabelle” or even better than The Debutantes ng Regal Films ay hiningal kami sa sunod-sunod na mga eksena na palaisipan sa amin kung sino at ano ang dahilan ng pagkamatay ng mga debutantes.
 
SWAK NA HORROR MOVIE: The Debutantes, swak sa pananakot!
McCoy de Leon and Elisse Joson

At the red carpet premiere last night, supported nina McCoy de Leon at Elisse Joson na close kay Michelle Vito at sina McLisse namn ay friend si Sue Ramirez.    

 
Ang boyfie ni Chanel na si Carl Guevarra was present to give support sa kanyang kasintahan.
 
 Si Sharlene San Pedro na bestie ni Miles was present para suportahan ang kaibigan.
 
Today Wednesday ang simula ng showing ng The Debutantes sa mga sinehan nationwide

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING