Suzette Ranillo, sinisira ang career ni Nora Aunor?!

ADVERTISING

Suzette Ranillo, sinisira ang career ni Nora Aunor?!

Suzette Ranillo, sinisira ang career ni Nora Aunor?!OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!!! Yes na yes! Mapapa-‘no’ kaya kayo sa mga chikkang pag-uusapan natin ngayon?

ADVERTISING

At siyempre, nakakawindang ang mga eksena nitong si Suzette Ranillo na talaga namang ang mga bali-balita, siya raw ngayon ang sumisira sa career ng Ate Guy n’yo. Na talaga namang siya rin daw ang dahilan kaya raw kumakalat ngayon na tinatamad na namang magtrabaho si Nora Aunor, dahil dumating nga si John Rendez, sa shoot ng El Presidente.

Pero ang eksena nitong si Suzette daw ay bali-balitang pinagtatalunan nila ni Kuya Germs ang mga kinikita ngayon ng Superstar, at talaga naman ang masasabi ko ay para sa ‘kin mukhang hindi naman gagawin ni Kuya Germs ‘yun. Dahil ang mga iniisip lang niya ay ang kapakanan ni Ate Guy at ang maging magandang impluwensiya.

Kaya nga mismong si Kuya Germs na ang nagsabi na si Lala Aunor na lang ang hu-mawak ng schedule ni Ate Guy, para walang conflict. Kaya siguro nasabi ni Suzette, wala raw siyang pakialam kay Nora dahil si Kuya Germs pa ang manager ni ate guy. Naku, ha?! Masamang pangitain ‘yan!!!

ADVERTISING

AT HETO NAMAN ang chikkang nakakawindang talaga. Kina-career daw ni Gabby Concepcion si Vicki Belo. Naku, ha?!

How true kaya itong chismax na ito na talaga namang nakakaasiwa. Sa dinami-rami naman ng kakaririn nitong ni Gabby, bakit naman si Vicki Belo pa?

Mukhang marami ang mawiwindang dito. Bakit naman lahat ng eksena, papasukan ni Dra. Belo para pag-usapan muli siya, dahil mukhang hindi na yata siya talaga nag-click. Mas marami na kasi ang kumakabog sa kanya at mukha rin naman kasing mas marami pang mas bago ngayon kesa sa kanya, ‘di ba? Haha! Effective!!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino kaya itong actress na ito na talaga namang nakakaloka?! Sobrang ibang-iba na raw, lalo na ‘pag nakikihalubilo sa mga kapwa niya artista, kaya tuloy ‘yung mga artista na nakasasama niya nga-yon, natatakot na sa kanya dahil nga iba na raw talaga ang ugali niya. Naku, ha?

Ayan nakakawindang. Parang nakakatakot nang lapitan. Hahaha! Sino siya? Pak! Kaloka! Haha!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING