Susunod sa paglaladlad ni Charice?!
Yeng Constantino at Angeline Quinto, may bahid din!

ADVERTISING

<i>Susunod sa paglaladlad ni Charice?!</i><br>Yeng Constantino at Angeline Quinto, may bahid din!

<i>Susunod sa paglaladlad ni Charice?!</i><br>Yeng Constantino at Angeline Quinto, may bahid din!

NANG MAGLADLAD si Charice sa tunay niyang pagkatao, ikina-shock ito ng movie industry kahit wala pang pag-amin mula sa kanya. Naging sentro ng usapan sina Yeng Constantino at Angeline Quinto na pinagdududahan rin ang kanilang pagkababae. Ilang beses na nilang pinagsigawan na hindi sila tibo pero patuloy pa rin ang issue ito sa kanila, ayaw mamatay-matay, bakit nga ba?

“Babae po ako, I’m a woman,” ang madalas sabihin ng Pop Rock Princess tuwing tatanungin siya sa totoo niyang gender. Pero nadu’n pa rin ang pagdududa ng nakararami na may mystery sa totoong katauhan ng magaling na singer-composer. Babae kung pakatititigan pero sa kilos at galaw, mababakas mo ang pagka-astig nito. Kung minsan, hindi siya aware na may mapanuring matang nakamasid sa kanya sa likod ng camera kaya’t hindi maiiwasang lumalabas ang totoo niyang personality.

Kahit nabalitang nanligaw kay Yeng sina RJ Jimenez at Carl Guevarra, hindi niya ito pinag-ukulan ng pansin. May nagsabi, umiiwas lang siyang maligawan. Sinabi pa niya sa aming interview na gusto na niyang magka-boyfriend, kaya lang, hindi pa dumarating si Mr. Right. Mahirap naman daw na makikipag-boyfriend lang siya para patunayan sa mga tao hindi siya tomboy. Kilala raw niya ang kanyang sarili kaya’t wala siyang dapat patunayan sa ibang tao. Hindi apektado ang magaling na singer-composer kung hanggang ngayon ay lenggua estopada pa rin ang tingin sa kanya.

ADVERTISING

Priority kasi ni Yeng ang kanyang singing career kaya rito siya naka-focus. Kailan lang, naging Favorite Female Artist ng MYX Music Award 2013. As a singer-performer, happy ang dalaga sa magandang takbo ng kanyang singing career.

<i>Susunod sa paglaladlad ni Charice?!</i><br>Yeng Constantino at Angeline Quinto, may bahid din!

PUMAPANGALAWA SI Angeline Quinto na may bahid din ng pagka-tibo. Ilang beses na rin niyang itinanggi na belong siya sa third sex. Katunayan nga, binabandera nitong crush niya sina Coco Martin, Sam Milby at Paulo Avelino na naging leadingman niya sa pelikula at teleserye sa Kapamilya Network. Isa man sa tatlong hunk actor ay walang nagka-interes na ligawan ang Young Song Bird. Pilit mang inili-link kung kani-kaninong actor ng ABS-CBN ang dalaga, hindi naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng publiko.

Wala naman kasing kadating-dating on screen si Angeline. Hindi namin maramdaman ang character na pino-portray niya. Wala lang, halata mong umaakting lang ito. Wala siyang certain charisma sa viewing public kaya hindi nag-rate ang kanyang TV show.

As a singer, magaling si Angeline lalo na sa live performance, parang CD ang dating ng kanyang boses, klaro ang lyrics ng song, malinis ang pagkakanta. Magka-timbre nga sila ng boses ng idol niyang si Regine Velasquez nang minsan namin siyang panoorin sa Valentine concert niya sa MOA. Pero as a performer, wala lang, kung anu-anong anik-anik ang pinagsasasabi on stage. Ayaw sumunod sa script, ‘yung gusto niya ang masusunod kahit palpak naman siya as a performer. Kung minsan, nawawala sa sarili, nagiging astig ding pumorma kahit naka-gown pa ito kaya’t nandu’n ang pagdududa sa totoong gender ni Angeline.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING