Suspek sa paglalabas ng vidoes ni Katrina at Hayden, pinangalanan! *updated May 25, 2009*

ADVERTISING

Pinangalanan ni Optical Media Board (OMB) Chairman Edu Manzano kung sino ang nasa likod ng pagkakalat ng videos nina Hayden Kho at Katrina Halili. Si Erik Johnston Chua diumano ang siyang nagbenta ng mga videos, hindi lang ni Katrina Halili, kung hindi pati na rin ang video kasama ang dating karelasyon ni Hayden na si Maricar Reyes. Binenta raw ni Erik Chua ang mga videos sa halagang P2 million para sa limang sex videos ni Hayden Kho. \

Nabalitang na-issue-han na ng subpoena sina Erik Johnston Chua, Hayden Kho, pati na rin ang dating karelasyon nitong si Dra. Vicky Belo. Gustong malaman ng NBI kung paano nagkaroon ng kopya ng mga sex videos ang sikat na cosmetic surgeon.

ADVERTISING

Nagsalita na rin si Hayden Kho tungkol sa issue at nanghingi siya ng paumahin sa mga nasaktan dahil sa pagtatape niya ng pagtatalik nila.

Update as of May 25, 2009

Nakapanayam ng TV Patrol si Eric Chua, ang dating best friend pala ni Dr. Hayden Kho. Mairiing itinanggi ni Eric na siya ang nagbenta o nagkalat ng sex videos ni Hayden. Idinawit rin ni Eric ang isa pang kabarkada nila na maaaring siya ang nagkalat ng mga nasabing sex videos sa internet.

ADVERTISING

Wala namang epek ang pagsosorry ni Hayden Kho para sa mga senador nating sina  Sen. Bong Revilla Jr. at Sen. Miriam Defensor Santiago. Wala raw remorse ang apology nito at dapat raw siyang ikulong.

Abangan ang pahinang ito para makakuha ng updates.

ADVERTISING