Susan Roces, malamang na madamay sa mga banat kay Sen. Grace Poe

ADVERTISING

Susan Roces, malamang na madamay sa mga banat kay Sen. Grace Poe

Susan-RocesEWAN KO kung bakit hindi pa sumasagot si Sen. Grace Poe sa panliligaw sa kanya ng Liberal Party para maging Vice ng manok nila na si Mar Roxas. Running story ang “ligawan blues” na ewan ko naman, kung interesado si Sen. Grace dapat ay sinagot na niya ang panliligaw ng nangangarap na maging Presidente ng bansa.

ADVERTISING

Kaya ang mga kalaban at ayaw kay Sen. Grace, bongga ang demolition job (black propaganda) sa kanya.

Ang ina na si Susan Roces ay dumidepensa na rin sa anak. Nagpaka-teleserye sa drama na ang anak na senadora ay hindi “ampon” ang turing nila ng mister na si FPJ noong nabubuhay pa ito.

Kung ako kay Ms. Susan, paghandaan na niya ang laro ng politika lalo pa’t hindi lahat ay kaalyado ng anak niya. I’m sure ‘pag nagsawa ang mga banat at intriga kay Sen. Grace tungkol sa kanyang pagiging ampon at sa isyu ng kanyang “citizenship”, malamang si Ms. Susan madadamay na rin.

ADVERTISING

Ang balita, ilalabas din ang pagiging “baog” issue ni Ms. Susan kaya ang mister na akala ng marami ay “perfect husband” ay kaliwa’t kanan din ang pambababae na nagbunga ng mga anak sa labas. Kung ako kay Ms. Susan, get ready na siya sa almusal, tanghalian, at hapunan at isama na ang morning and afternoon snacks at pati midnight snack na makakalkal ang mga lumang isyu mula sa baul ng nakaraan.

Ngayon pa nga lang, apektado na si Ms. Susan, what more sa panahon na ng kampanya. Sigurado maaapektuhan ang ito who plays ‘lola” to Coco Martin sa bagong teleseryeng Ang Probinsiyano na malapit nang magsimula sa Kapamilya Network.

 

Mother Lily, 4 na malalaking pelikula ang pa-birthday sa Pinoy moviegoers

 

76TH BIRTHDAY celebration ang isinagawa ni Mother Lily Monteverde sa Valencia Events Place last Wednesday evening, August 19, at masaya niyang ibinalita sa press na may apat na malalaking projects ang kanyang Regal Films na dapat abangan ng mga mahihilig manood ng pelikulang Pilipino bago matapos ang 2015.

Imbis siya ang bigyan ng regalo ay siya ang magreregalo sa mga Pinoy na tumangkilik at tumatangilik pa rin sa Regal Films for the past years. Dalawang horror movies na gusto namin personally ang mananakot at manggugulat sa amin, ang Resureksiyon, kung saan kabilang si Janice de Belen; at ang Haunted Mansion starring Janella Salvador and Marlo Morte;l at dalawang kilig movies na romcom na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Sam Milby, ang Pre-nup; at ang tambalan ng mag-sweetheart na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa NBSB – No Boyfriend Since Birth.

Hindi maramot si Mother Lily sa Pinoy moviegoers. Alam niya ang gusto nila.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING