Supporters ni Willie Revillame, sumugod sa yate! – Cristy Fermin

ADVERTISING

Supporters ni Willie Revillame, sumugod sa yate! - Cristy FerminHINDI na nakatiis ang staff ng Wowowee, hindi na sila nagkasya sa puro pangungumusta lang kay Willie Revillame sa text, kaya nu’ng Miyerkules nang gabi ay sumugod na ang grupo sa yate ng kanilang mahal na kuya.

May meeting si Willie sa may-ari ng SM nang may tumawag sa kanya, pupunta raw ang kanyang staff sa yate para makita siya nang personal pagkatapos nang mahigit na isang linggo, pagkatapos ng meeting niya ay dumiretso na si Willie sa Manila Yacht Club.

ADVERTISING

Pag-akyat niya sa yate ay parang nakakita ng matinee idol ang buong grupo sa lakas ng kanilang sigawan, mahihigpit na yakapan ang namagitan sa loob nang ilang minuto, pero nagulat si Willie sa mga sumunod na pangyayari.

“Bakit kayo nag-iiyakan? Dapat, masaya tayo rito ngayon, kaya tama na ang drama!” Very Willie na komento ng TV host sa kanyang staff.

Nag-iiyakan ang mga babaeng staff ni Willie, yakap nang yakap sa kanya ang mga ito, kasabay ang pagsasabing bumalik na siya sa programa dahil sobra na ang pagka-miss nila sa kanilang kuya.

ADVERTISING

Ang mga staff niya namang lalaki ay hindi lang nagpapakita ng emosyon, nang isa-isa na silang lapitan ni Willie para kumustahin ay walang salitang narinig sa paligid, umiling-iling lang ang mga ito sabay yakap sa kanilang host.

Sabi sa amin ng isang staff, “Hinahanap kasi namin ang saya, ‘yung tensiyon, ‘yung nakasanayan na naming takbo ng show kapag nandu’n si kuya.

“Nine o’clock in the morning nasa studio na siya, ipatatawag niya na agad ang wardrobe group, sasabihin niya, ‘Kailangang iba ang suot nina Saicy at Luningning, sila ang bida sa segment, kaya bigyan natin sila ng special costume.’

“Ganu’n kung alagaan niya ang mga kasamahan niya, hindi siya ang klase ng TV host na sino-solo lang ang limelight. Kay kuya, kailangang nagsi-shine ang lahat ng kasama sa show,” kuwento sa amin ng staff ng Wowowee.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING