Super Tekla sinagot ang mga alegasyon ng live-in partner

ADVERTISING
Leo Bukas

NAGBIGAY na ng pahayag ang komedyanteng si Super Tekla (Romeo Librada sa tunay na buhay) tungkol sa mga ibinabatong alegasyon sa kanya ng live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. Si Michelle at Super Tekla ay anim na taon nang magkarelasyon.

Sa video na inilabas ni Tekla ay una niyang sinagot ang tungkol sa isyu ng self sex or masturbation habang hawak ni Michelle ang kanilang anak. Ibinigay din niya ang panig sa akusasyon na madalas niyang pilitin ang ka-live-in na makipagtalik sa kanya.

ADVERTISING

“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay. Usapin natin Michelle yan, usapin ng pamilya yan. Isang napakasensitibong usapin yan Michelle,” depensa ni Tekla.

Super Tekla sinagot ang mga alegasyon ng live-in partner
Super Tekla

“Hindi totoo yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa yan Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae. Mahirap lang kami Michelle… sa bukid, alam mo ang background ng family ko,” dagdag pa niya.

Inamin din ng komedyante na siya palagi ang nag-a-adjust kapag may pangangailangan siyang sexual dahil si Michelle ang nanay ng kanyang anak.

ADVERTISING

Sabi ni Tekla, “Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan. Parte ng pagsasama natin yan Michelle, na ipinagkakait mo sa akin. Ginagawa mo akong tanga at timawa diyan, yon ang totoo, pero nag-a-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh.”

Sinagot din ni Tekla ang isyung ginugutom niya ang kanyang pamilya at mga kasama sa bahay.

“Hindi ko kayo pinapagutuman, alam mo ’yan. Alam n’yo ’yan Shabi, alam n’yo ’yan Enrico, lahat naglaan pa ako ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic,” depensa niya.

Sa paratang ni Michelle na hindi nito inaalagaan ang kanilang anak na si Angelo na nagkaroon ng anorectal malformation ay meron ding buwelta si Tekla.

Aniya,  “Siya ang hindi pumupunta sa ospital.  Ako, kani-kanino ako humahapit ng tulong para maligtas yang batang yan dahil hindi mo inalagaan iyan sa sinapupunan mo. Alam mo ang kuwento niyan Michelle.”

Matatandaang isinumbong ni Michelle si Tekla kay Raffy Tulfo para hingin ang tulong nito. Lumabas ang video ng interview ni Michelle noong October 20.

ADVERTISING