Sunshine Guimary sa tsismis na transgender woman siya: ‘Tunay na babae po ako’

Leo Bukas
NAGKAROON ng virtual press preview ang sex comedy film ng Viva na Kaka nitong Martes, May 25. Sa pelikula ay masasagot ang katanungan ng marami at mga pagdududa tungkol sa totoong gender ng bida sa pelikula na si Sunshine Guimary.

Totoo nga bang transgender woman si Sunshine at dati siyang isang lalaki na nagpa-sex change lang?

Sunshine Guimary sa tsismis na transgender woman siya: ‘Tunay na babae po ako’
Sunshine Guimary

Well, base sa napanood namin sa Kaka ay walang dudang babaeng-babae si Sunshine. Walang traces na dati siyang lalaki kung hubog ng katawan at boses ang pagbabasehan.

Kayang-kaya din daw itong patunayan  ng baguhang sexy star na na-discover ng Viva sa Instagram.

“Kailangan nila ng proof? Meron ako niyan, yung birth certificate ko,” confident na pahayag ni Sunshine.

Hindi rin daw big issue sa kanya kung napapagkamalan man siyang transgender.

“Natawa na lang ako dahil hindi siya isyu sa akin kasi alam ko na tunay na babae ako,” reaksyon pa ng dalaga.

Sa pelikulang Kaka ay ginagampanan ni Sunshine ang character ng isang radio disc jockey na sex therapist. Sina Ion Perez at Jerald Napoles naman ang kanyang leading men.

Kumusta namang kaeksena si Ion?

“Okey yung mga eksena namin dito ni Ion. Mabait si Ion, okey lahat, everything is okey,” kuwento niya.

Sunshine Guimary sa tsismis na transgender woman siya: ‘Tunay na babae po ako’
Sunshine Guimary with Ion Perez and Jerald Napoles

Hindi na rin daw kinailangang magpaalam pa siya kay Vice Ganda para hiramin ang nobyo nito sa mga intimate scenes nilang dalawa.

“Palagay ko sa paalam na part… Direk GB (Sampedro) pa-help,” na kaagad namang sinagot ng director na, “Pagdating do’n sa love scene nila, professional naman kaming lahat, eh, so kumbaga parang ginagawa lang namin yung mga trabaho namin sa set. So siguro hindi na kailangan yung mga pa-paalam. Lahat naman professional lang.”

Hiningi din ng PUSH ang reaksyon ni Sunshine kung nakikita ba niya ang kanyang sarili sa co-star na si Rosanna Roces sa pelikula na nagsimula rin bilang sexy star pero eventually ay nakilala bilang magaling at award winning actress.

“Nakikita ko yung part na kung gaano siya ka-open, ka-daring at walang takot. Pag binigyan siya ng ganitong part ginagawa niya. Yung part na yon ang gusto ko sa kanya at nakikita ko ang sarili ko do’n. Na kung ano yung ibabato, gagawin at gagawin ko.

“Pero yung sa pagiging award-winning, wala pa don. Ha-ha-ha.  Pero yung tumagal na kagaya niya na dekada na, siyempre pangarap ko rin yon. Sana, oo. Diyos ko Lord. Why not?” huling pahayag ni Sunshine.

Mapapanood ang Kaka simula May 28 sa Vivamax.