Sunshine Guimary on Ivana Alawi: ‘Ayoko ng kompetisyon!’

Leo Bukas

TAPOS nang gawin ng sexy star na si Sunshine Guimary ang kanyang launching movie na Kaka ang title mula sa Viva Films na idinirek ni GB Sampedro. Dalawa ang leading man ni Sunshine sa pelikula — sina Ion Perez at Jerald Napoles.

Dahil first time actress kaya aminado si Sunshine na medyo nahirapan siyang gawin ang mga daring scenes sa pelikula.

Sunshine Guimary on Ivana Alawi: 'Ayoko ng kompetisyon!'
Sunshine Guimary

Aniya,  “Pinakamahirap sa akin yung daring scene, yon yung mabigat for me. Pero happy naman ako na nabuhos ko.”

Marami din daw siyang natutunan habang ginagawa ang pelikula.

“Sa pelikulang ito ang dami-dami kong natutunan. Ultimo yung sequence nung pag-text sa akin, sabi ko, ‘Ano yung sequence? Ano yung blocking? Ano yung tuhog?’ Sabi ko, ‘Anong gagawin ko?’

“Kasi simpleng mamamayan lang ako sa Cebu na nag-a-upload ng mga sexy lingerie pero sumabak ako agad sa movie. Ibang level yung experience,” pagmamalaki ng internet sensation.

Nagbigay din ng reaksyon si Sunshine sa madalas na pagkukumpara sa kanya kay Ivana Alawi na madalas ding mag-viral ang mga video sa Youtube na katulad niya. Ano ba ang masasabi niya rito?

“Ayoko ng kompetisyon! Kung ano yung kaya kung gawin paghihirapan ko yon at ie-earn ko yon sa trabaho,” tugon ng dalaga.

“Masaya ako, kasi ibang level si Ivana. Thankful na rin ako sa part na ako yung kinukumpara. Masaya na ako sa part na kinukumpara ako sa kanya,” hirit pa niya.

When asked kung hanggang saan pa ba ang kaya niyang gawin o kung may sini-set ba siyang limitasyon sa paggawa ng maseselang eksena sa pelikula, ani Sunshine ay wala naman daw so far.

Sunshine Guimary on Ivana Alawi: 'Ayoko ng kompetisyon!'
Jerald Napoles, Sunshine Guimary and Ion Perez

“Hindi ko pa masabi for now kung which part yung magiging limitations ko. Open kasi ako sa mga bagay bagay, sa mga challenges gina-grab ko siya .

“May part kasi na nai-enjoy ko, may part din na parang may wow factor na, ‘Ay, kaya ko pala.’ Do’n sa kung kelan ako mag-i-stop and which part at hanggang saan ako, hindi ko pa masabi. Open ako for now,”  lahad ni Sunshine.

Samantala, iikot ang kuwento ng Kaka sa karakter ni Sunshine as  DJ Kaka, na isang sex therapist sa radio, na sa kabila ng kanyang pagiging mandirigma sa kama ay hindi pa naranasan ni Kaka ang maligayahan. Mapapanood ang pelikula simula May 28 sa Vivamax at sa iba pang streaming platforms.