Sunshine Guimary nabitin kay Ion Perez, pero enjoy naman kay Jerald Napoles

Leo Bukas

ISANG orihinal na pelikula ng Vivamax na ang title ay Kaka ang magiging launching movie ng internet sensation na si Sunshine Guimary. Ang Kaka ay kwento ni DJ Kaka, na isang sex therapist sa radio na sa kabila ng kanyang pagiging mandirigma sa kama ay hindi pa naranasan ang maligayahan.

Sunshine Guimary nabitin kay Ion Perez, pero enjoy naman kay Jerald Napoles
Sunshine Guimary as Kaka

Kilala si Sunshine bilang vlogger at tinaguriang “Braless Goddess” dahil sa pagmomodelo ng mga microkinis and lingerie sa kanyang YouTube at Instagram.  Noong Marso 2020 lamang pumirma ng kontrata si Sunshine sa Viva kaya naman sobrang pasasalamat nito na agad siyang nabigyan ng launching movie.

“Susuklian ko ng 10 times ito sa Viva,” aniya.  Inamin niyang nandoon ang kaba sa paggawa ng bed scenes, pero buong loob niya pa ring ginawa ito.

Isa sa leading man ni Sunshine sa Kaka ay si Ion Perez na aminadong malaking hamon sa kanya ang role bilang isang anak mayaman dahil malayo ito sa kanyang pagkatao.

Si Jerald Napoles ang ang isa pang partner ni Sunshine sa Kaka. Gaganp siya bilang best friend ni Kaka na may lihim na pag-ibig sa kanya.  May maseselang eksena rin ang dalawa at umaasa si Sunshine na makita ng manonood ang chemistry nila ni Jerald.

Dahil may maiinit na eksena si Sunshine sa dalawang kapareha kaya tinanong namin ang dalaga kung kanino ba siya mas nag-enjoy.

“Nag-enjoy ako kay Jerald, nabitin kay Ion,” diretsahang pahayag ni Sunshine sabay tawa nang malakas.

Sunshine Guimary nabitin kay Ion Perez, pero enjoy naman kay Jerald Napoles
Jerald Napoles, Sunshine Guimary and Ion Perez

“Nabitin  kay Ion kasi  medyo limited yung mga bagay-bagay. Nag-enjoy kay Jerald kasi siguro dahil pareho kaming open sa lahat ng bagay,” dagdag pa niya na hindi na idinetalye pa kung paano siya nag-enjoy at nabitin.

Samantala, masaya si Direk GB Sampedro dahil sa pamamagitan ng  Kaka ay maidadagdag niya ang genre na sexy comedy sa kanyang filmography.  Nagpapasalamat siya sa Viva sa binigay sa kanyang kalayaan para pumili ng mga artista.

Kasama rin sa Kaka sina Gina Pareño, Maui, Rosanna Roces, Giselle Sanchez, Juliana Parizcova Segovia at ang It’s Showtime dancer na si Jackie Gonzaga.

Sa May 28, 2021 na ipapalabas ang Kaka sa Vivamax.