Sunshine Dizon, sisiguruhing walang annulment na mangyayari sa kanila ng mister na may ibang babae

ADVERTISING

Sunshine Dizon, sisiguruhing walang annulment na mangyayari sa kanila ng mister na may ibang babae

Sunshine Dizon
Sunshine Dizon

Kaloka ang nangyari kay Sunshine Dizon.

Akala ko perfect family sila ng mister niya, na sa mga Instagram posting ni Sunshine Dizon at maging ng mister na si Timothy Tan, ang pagsasama nila ay “made in heaven”. Sa katunayan palagi silang nagba-bonding base sa mga IG posting ng dalawa na sa kabila ng mga masayang picture na nakikita ng publiko ay may nakatagong lihim pala ang pagsasama nila.

Six years na rin ang relasyon nina Sunshine at Timothy as husband and wife na nagpakasal last March 2010.

Sa isyung hiwalayan between Sunshine at Timothy (na isang pilot by profession) nadawit ang pangalan ng isang Ms. Clarissa Soriano-Sison base sa kanyang social media account (pero may nagsabi sa amin na ang totoong pangalan ng sinasabing third party sa problema na kinahaharap ngayon ng aktres ay “Clarissma”.

ADVERTISING

Ang tapang ni Sunshine para i-post ang picture ng sinasabing babae ng mister niya last Friday.

Balita nga namin, nakatira sa same condominium si Clarissa, kung saan nakatira sina Sunshine at ang pamilya niya.

Ang nakakaloka, si Timothy diumano ang nag-aya sa “third party” na du’n na tumira sa same building na tinitirahan nila ng aktres, at ang mister pa nito ang nagbabayad sa monthly rental.

As a private person, gusto rin naming makuha ang side ni Ms. Sison tungkol sa isyu para marinig din ang side niya.

Sa kanyang Facebook account, isinulat nito na: “Do not believe everything that you see on the Internet. Ano nga bang laban ko, ‘di ba? Artista ‘yung humihingi ng sympathy sa inyo. But please, do not judge me agad if you don’t know what really happened. Good night everyone! Thank you for your messages, keep them coming. I don’t care because I know I did not do anything wrong,” pahayag nito.

As of presstime nakatakda mag-file ng demanda si Sunshine sa asawa at maging sa babae.

Panigurado ni Sunshine, walang annulment na mangyayari sa kanila ng mister.

From very reliable source, “Pahihirapan ni Sunshine ang mister at ang “girl” para wala silang ilusyon na magpakasal,” sabi ng source namin.

Kung mabasa ito ni Ms. Sison, she can reach us thru our social media account on Facebook & Instagram (@rkvillacorta) to hear her side of the story.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING