Sunshine Dizon, naghahanda sa isang giyera

ADVERTISING

Sunshine Dizon, naghahanda sa isang giyera

Sunshine Dizon
Sunshine Dizon

Mukhang susugod talaga si Sunshine Dizon sa giyera based on the latest Instagram posting niya the other night tungkol sa isyung pambabae diumano ng kanyang mister na si Timothy Tan, na ang babaeng sangkot diumano as the third party (Clarissa Sison) ay itinira diumano ng kanyang mister at the same condominium, kung saan doon sila nakatira as a family.

ADVERTISING

Sinulat ng aktres sa kanyang IG, “Hindi po madali ang pinagdadaanan ko at ng mga anak ko ngayon. I’m trying my best to keep everything private but my situation as an actress makes it difficult to keep everything away from the public.”

Dugtong ng aktres sa kanyang IG, “Please bear with me in this difficult situation as I am preparing for battle. Hindi ko po ipagkakait sa inyo ang mga mangyayari sa buhay ko at sa pinaglalaban ko legally as your overwhelming support inspires me to fight not only for myself, for my children but also for those out there who are in the same situation like me.

“As a wife and mother who uncovered lies, hindi po tama siguro na ako ay manahimik lamang, and I assure everyone that I will finish this legal battle until the end. Makakaasa po kayo na magsasalita po ako ng katotohanan lamang sa tamang panahon,” aniya sa pangungulit ng media sa kanya tungkol sa isyu.

ADVERTISING

Sa pahayag ng kanyang mister sa social media account nito, mas maigi na mauwi sa annulment ang kanilang pagsasama. Pero matigas ang stand ng aktres na hindi niya pagbibigyan ang mister sa request na annulment ng kanilang kasal.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING