Sunshine Dizon, markado ang role sa “Encantadia”

Sunshine Dizon, markado ang role sa "Encantadia"

Sunshine Dizon
Sunshine Dizon

Markadong-markado raw ang role na gagampanan ng award-winning actress na si Sunshine Dizon sa pagbabalik-telebisyon ng “Encantadia“.

Kaya kahit si Sunshine Dizon ay excited sa kanyang role, lalo na’t nagsisimula nang mag-taping ang inaabangang serye ng Kapuso Network.

Tsika nga ni Sunshine, “Nakae-excite ‘yung role ko sa ‘Encantadia’, kasi bagong character siya rito. Thankful ako sa GMA 7, dahil isinama nila ako rito. Gusto ko kasi na sa pagbabalik ng ‘Encantadia‘ ay makasama ako.

“Ayoko munang magkuwento sa kung ano ang role ko rito, basta abangan na lang nila lalo na’t nagsisimula na kaming mag-taping.”

Bukod kay Sunshine, may mga dati ring nakasama sa original “Encantadia” ang magkakaroon ng bagong role.

John’s Point
by John Fontanilla