Sunshine Dizon, hirap pagsabayin ang showbiz at pagiging ina

Sunshine Dizon, hirap pagsabayin ang showbiz at pagiging ina

Sunshine-DizonHINDI MADALI para kay Sunshine Dizon maintaining a showbiz career while raising two kids. Ito’y malaking responsibility as an actress and at the same time as a mother. Katatapos lang niyang mag-sign ng 3 years contract sa GMA-7. She’s thankful to her non-showbiz husband Timothy Tan who always supports her and a very good family man.

‘Yung mga responsibility ni Sunshine as a mother, si Timothy ang gumagawa. Kapag nasa taping ang actress, ang asawa ang nag-aasikaso ng dalawa nilang anak na sina Doreen, 3 years old; and Antonio, 2 years old. Hinahatid-sundo niya ito sa school. Hindi naging issue sa kanila ang dapat sana’y ginagawa ni Sunshine.

Dati piloto si Timothy, he now runs a family-owned supermarket in Pampanga. Nang magasawa si Sunshine, tumigil muna ito sa showbiz for 4 years. Naging priority niya ang kanyang pamilya bago uli siya nagbalik-showbiz. Kung minsan, nagtatanong ang eldest niyang si Doreen kung bakit madalas siyang wala sa house dahil nga nasa taping ito. Ang challenge, ipinapaliwanag ni Sunshine sa anak kung bakit? Kailangan niyang magtrabaho para sa future ng kanyang mga anak.

Kapag walang taping or shooting si Sunshine, 100 percent ang ibinibigay niyang pag-aalaga at pagmamahal sa kanyang pamilya, ganu’n din sa trabaho as an actress. Isa siyang mother, a normal person kapag nasa bahay. She always try to spend quality time with the family.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield