Sunshine Dizon, gustong makasama sa remake ng “Encantadia”

ADVERTISING

Sunshine Dizon, gustong makasama sa remake ng “Encantadia”

Sunshine-Dizon

Masaya raw si Sunshine Dizon dahil sa balitang iri-remake ng GMA 7 ang “Encantadia”. Maaalalang isa ito sa original cast ng Encantadia bilang si Pirena.
Gusto rin daw ni Sunshine na makasamang muli sa pagbabalik ng “Encantadia” sa telebisyon sa 2016. Maalalang tumatak nang husto sa mga manonood ang role na ginampanan nito sa Encantadia na si Pirena, na isa sa apat na anak ni Dawn Zulueta bilang si Reyna Minea.
Sa ngayon nga raw, hindi pa nito alam kung makakasama siya ulit sa remake nito. “As of now wala pa pong nasasabi but you know, if ever na kasama ako, siyempre I’ll be honored. Sana po, let’s keep our fingers crossed. At kung hindi naman (makasama) at talagang bagong cast (lahat), I hope that ‘yung mga fans namin from the original Encantadia will still support the new one.”

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING