Sunshine Dizon, ginawan ng bagong character sa “Encantadia”

Sunshine Dizon, ginawan ng bagong character sa "Encantadia"

Sunshine Dizon with Glaiza De Castro
Sunshine Dizon with Glaiza De Castro

“Masaya ako kasi at first I thought sina Dong (Dingdong Dantes) lang. Tapos when they said that they created a new character for me. “

Ito ang naging pahayag ni Sunshine Dizon sa natanggap na balitang kasama na siya sa remake ng “Encantadia” na dati niyang pinagbidahan bilang Pirena, na ngayon ay pinagbibidahan ni Glaiza De Castro.
Dagdag pa nito, “Sobrang na-touch ako and happy ako, kasi gusto ko talagang maging part ng ‘Encantadia 2016’.”
Bukod sa pagpasok ni Sunshine Dizon sa “Encantadia“, wala pa namang napababalitang dagdag na cast sa nasabing palabas ng Kapuso Network.

Justin Lee
Justin Lee

Justin Lee, alay sa ina ang pelikulang “Mother and Son”

ALAY RAW ng teen actor na si Justin Lee sa kanyang yumaong ina ang pinagbibidahang pelikulang ” Mother and Son, Ang Kuwento ni Nanay ” na hatid ng SMAC TV Productions at sa mahusay na direksiyon ni Chrysler Malinay.
Ayon nga kay Justin, “Alay ko sa mama ko ‘yung pelikulang ito. Siya kasi ‘yung may gusto talagang mag-artista ako. Sa kanya rin ako humuhugot ng emosyon para magampanan ko ‘yung role ko nang tama.
“‘Yun nga lang, minsan nadadala ako, especially du’n sa crying scene. Iyak nang iyak talaga ako, kasi naaalala ko ‘yung mama ko. Miss na miss ko na siya. Sana kung nasaan man siya, sana proud siya sa akin.”
Pasasalamat daw ang gustong ibalik ni Justin sa mga taong nakapanood at nagustuhan ang acting na ipinakita niya sa “Mother and Son”.
Thankful din daw ito sa SMAC TV Productions sa walang sawang pagsuporta sa kanya para maabot ang kanyang pangarap na makilala bilang artista.
Kasama ni Justin sa “Mother and Son” ang mahusay at beteranang actress na si Ms. Perla Bautista at si Jestin Manalo.

 

Tyrone Oneza
Tyrone Oneza

Tyrone Oneza, nag-ala Willie Revillame sa pamimigay ng gadgets at pera sa FB

 

NAKATUTUWA NAMAN ang singer na si Tyrone Oneza dahil bukas ang palad nito na tumulong sa mga kapwa niya Pinoy sa pamamagitan ng kanyang pa-contest sa kanyang Facebook page (FB International Wheel of Fortune), kung saan humamig ito ng almost 20,503 thousand messages, likes, shares, and views at nag-trending nang buong araw.

Ang latest na pinahulaan niya ay ang laman ng kanyang box na ang makahuhula ay mananalo ng isa lang namang laptop at 100 euro na malaking tulong na sa Pilipinong mananalo.

Bibihira na nga sa singers natin ang katulad ni Tyrone na willing tumulong sa abot ng kanyang makakaya.

Marami nga ang nagsasabing parang si Willie Revillame si Tyrone dahil sa ginagawa nitong pamimigay ng gadgets at pera sa mga kapwa nito Pinoy, tulad ng ginagawa ni Willie sa kanyang show sa GMA 7.

John’s Point
by John Fontanilla