Sunshine Dizon, ‘di basta-basta hinahayaan sa mga yaya ang mga anak

Sunshine Dizon, ‘di basta-basta hinahayaan sa mga yaya ang mga anak

Sunshine-DizonNAKIKITA KO ang mga photo posting ni Sunshine Dizon sa kanyang Instagram account. Masaya naman ang aktres sa kanyang buhay may-asawa na kadalasan, silang magpamilya ang nakikita ko sa IG as an update sa kanyang fans at tagasubaybay.

Sa katunayan, super sweet ang aktres at ang non-showbiz husband niya na sa simula pa lang, very supportive na ang asawa niya na si John Timothy Tan na isang cutie hunk din, huh!

Recently, nag-celebrate sina Sushine at John ng kanilang anniversary with a simple dinner sa haybols nila kasama ang kanilang mga anak.

Mula nang mag-decide ang aktres na maging wife ni John, naging top priority ng aktres ang asawa at ang pagiging ina sa kanilang mga anak. Sa katunayan, sa kabila ng kabisihan sa kanyang showbiz career with a regular show sa Kapuso Network with the nightly teleseryeng Pari Koy na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, bilang asawa at ina pa rin ang pangunahing responsibilidad ng aktres.

Sa totoo lang, isang hands-on mom si Sunshine sa kanilang mga anak ni John. Sa kanyang mga IG postings, siya mismo ang “yaya” ng mga tsikiting nila at hindi niya basta-basta ibinibilin at hinahayaan na lang sa kanyang mga kasambahay at yaya ng mga bata.

Good vibes nga sa aktres ang pagkakaroon niya ng happy family lalo pa’t inspiring para sa mga tagasuporta ni Sunshine ang buhay niya ngayon.

“I’ve learned the perfect formula of a happy relationship. Respect for each other sa lahat po ng aspect ng relationship namin. Collective ang decision naming mag-asawa. We consult each other at pinaguusapan naming ni John,” pagse-share pa ng aktres tungkol sa magandang relasyon nila ng kanyang mister.

Reyted K
By RK VillaCorta