Sunshine Dizon, binuburo ng Siyete?! – Joey Sarmiento

ADVERTISING

Sunshine Dizon, binuburo ng Siyete?! - Joey Sarmiento

Sunshine Dizon, binuburo ng Siyete?! - Joey SarmientoIS SOP THAT desperate to get a higher rating on TV kaya nagpalabas sila ng isang production number featuring Carl Guevarra nang naka-topless gyrating left and right, na ala-macho dancer ng Adonis Gay Bar?

ADVERTISING

Kung hindi kami nagkakamali, halos sampung minuto rin ‘yatang nakaere sa TV ang hubad na katawan ni Carl na pinagpipiyestahan ng gays and girls.

Kaya lang, GMA-7 must remember na ipinalalabas ang SOP tuwing tanghali ng Sunday kaya most probably, kumpleto ang pamilya with matching kids na nanonood at nagkakasiyahan while feasting on their hearty lunch kaya maraming magulang ang na-turn-off sa eksenang ‘yon.

Marami kaming e-mail messages na natanggap tungkol sa obscene production number na ‘yon maximizing on the body of Carl na parang nanunukso ng mga gays habang gumigiling.

ADVERTISING

Bukod du’n, nag-promise pa si Carl na sa mga susunod na Sundays, e, mas marami pa raw siyang damit na tatanggalin and if that’s the case, dapat idagdag na rin ng SOP ang “GAY BAR ON TV” banner sa ilalim ng title ng kanilang programa… whatdayathink, mga friends sa Christian Network?

MANGANGALAHATI NA ANG buwan ng January pero hanggang ngayon, hindi pa rin namin nararamdaman ang pagbabalik ni Sunshine Dizon sa GMA-7. Why, oh, why kaya?

We can still remember late last year, after ding manalo ni Shine as Best Actress in a Single Performance sa  Star Awards for TV, na nabanggit niyang magbabalik siya agad-agad sa channel 7 by January.

Naku, feeling namin, hindi na naman tumutupad sa mga promises ang GMA-7 gaya ng kanilang ginawa nu’n sa iba nilang mga artista. Feeling namin, false promises lang ang kanilang ibinigay kay Shine.

Matagal na sa industriya si Shine at ilang beses na rin niyang napatunayan na magaling siyang aktres. Sana naman, e, ‘wag siyang pabayaan ng kanyang mother network. Sana, e, ‘wag nilang pabayaang magising si Shine at mag-isip na lumipat na lang talaga ng ibang network kung saan maaalagaan siya nang mabuti.

Teka. Hindi ba’t isa sa mga values na itinuturo ng mga Kristiyano, e, ang honesty? Kung hindi tutuparin ng GMA-7 ang kanilang mga pangako kay Shine, e, ‘di hindi pala honest ang Christian Network na ito… hmmmm!

For reaction, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING