Sunshine Dizon, ayaw makasama sa kuwarto si Iza Calzado – Lolit Solis

ADVERTISING

Sunshine Dizon, ayaw makasama sa kuwarto si Iza Calzado - Lolit Solis

KAHIT NA ANONG iwas nina Sunshine Dizon at Iza Calzado sa isyung may away sila, halata pa ring meron talaga silang problema.

ADVERTISING

Nu’ng magpa-presscon si Dr. Manny Calayan para sa bagong endorser niya na sina Sunshine at Alfred Vargas, hirap na hirap si Sunshine na sagutin ang mga tanong tungkol sa kanila ni Iza.

Nakiusap na itong tungkol na lang sa pagpapa-lipo niya kay Dr. Calayan ang pag-usapan at huwag na ‘yung kay Iza dahil wala naman daw talagang isyu.

Sabi lang ni Sunshine, kung meron mang pino-promote si Iza na SRO Cinemaserye, sana tungkol na lang daw du’n at huwag na ang isyu nilang dalawa para mapag-usapan lang ang bagong show nito.

ADVERTISING

Gaya nitong pa-presscon ni Dr. Calayan, sana ‘yung services na lang daw ng Calayan Surgicenter ang pag-usapan, huwag na si Iza dahil wala naman daw itong kinalaman sa pino-promote niya.

Pero wala naman silang magagawa dahil halata naman kasi na may away sila at ‘yun ang aalamin natin kung ano ang pinag-awayan nila.

Nu’ng nakaraang taping ng birthday special ni Dingdong, obvious na nag-iiwasan sila dahil magkasama sila dapat sa isang dressing room, hindi roon tumigil si Sunshine. Dedmahan talaga sila pero kahit anong kulit sa kanila ng mga reporter, iniiwasan na nila itong pag-usapan.

HINDI NA ITINATAGO nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang relasyon dahil kitang-kita naman kung gaano na sila ka-sweet.

Abangan n’yo na lang sa birthday special ni Dingdong na mapanood ‘nyo sa Sunday Night’s Box Office kung gaano sila ka-sweet.

Ang tanong lang ngayon, gaano na katagal ang relasyon nila? Kailan pa naging sila? Iyon na lang ang hindi pa malinaw sa dalawa na tingin ko hindi nila sasagutin iyan. Ang importante, hindi na nila itinatago at hindi na kailangang magsinungaling pa.

Sabi nga ni Marian nu’ng mag-guest sa amin sa Startalk, nagpakatotoo lang daw sila at ayaw naman daw nilang lokohin ang fans. Kaya ayan na! Kitang-kita n’yo na kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa kaya huwag na sigurong kontrahin. Maging masaya na lang siguro tayo para sa kanila.

Sobrang suwerte nga ngayon ni Marian dahil bukod sa bonggang-bongga ang lovelife niya, masaya na rin ang buong pamilya niya at higit sa lahat lalong gumaganda ang career niya dahil sa pamamayagpag ng Darna. Kaya wala na raw siyang mahihiling pa sa ngayon.

Siguro dapat mag-wish na rin siya na sana magiging positive din ang resulta ng bagong primetime series ni Dingdong na Stairway to Heaven.

Malaking sugal itong itatambal siya kay Rhian Ramos dahil hindi pa natin alam kung tatanggapin ng fans na hindi na si Marian ang katambal niya. Hindi rin natin alam kung tatanggapin ba ng fans ang loveteam nila ni Rhian kahit alam naman ng lahat kung ano ang namagitan sa kanila ni Marian.

Kaya abangan na lang natin dahil nagsisimula nang mag-taping sina Dingdong at Rhian para sa Stairway to Heaven.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING