Sunshine Cruz vs. Kathelyn Dupaya: Sino ang nagsasabi ng totoo?

ADVERTISING

Sunshine Cruz vs. Kathelyn Dupaya: Sino ang nagsasabi ng totoo?

Sunshine Cruz vs. Kathelyn Dupaya: Sino ang nagsasabi ng totoo?
Sunshine Cruz

NAKAKAPANGHINAYANG kung ang isang totoong friendship ay nauuwi lang sa wala dahil sa pera.

Hindi na bago ang kuwento ng aktres na si Sunshine Cruz at ang itinuturing niyang kaibigan na Brunei-based businesswoman named Kathelyn Dupaya.

Akusasyon ng aktres kay Dupaya na niloko siya ng huli sa investment na inilaan niya sa negosyo nitong huli.

Sa kanyang Facebook post recently ay sinulat ng aktres ang kanyang saloobin.

ADVERTISING

“For the record, I tried to talk to Ms. Kathelyn Dupaya about getting my money back privately for months but it did not work. That’s why I coursed it through my lawyers na lang. She was a friend and I/We trusted her,” pahayag ng aktres sa kanyang FB post.

Dagdag pa ni Sunshine sa kanyang kuwento: “I got into business with her, invested money for about 2 years for additional income esp (especially) that I am a single mom.

“I’ve been wanting to get my principal money back but she couldn’t deliver,” ayon sa post ng aktres.

Dagdag pa niya :“Like what she said in her interview, let the court come up with a judgement na lang.”

Pero may paglilinaw ng aktres sa kinukuwento ni Dupaya sa kanyang TV Patrol interview na pinamili niya ang aktres ng mga alahas like diamonds na sa FB post naman nito ay ipinakita ang isang picture ng mga alahas na para sa amin ay papetiks-petiks lang ang presyo na may caption pa si Sunshine na: “Hundreds of thousands worth of DIAMONDS according to Kathelyn Dupaya. Please keep your FACTS STRAIGHT. We just want our hard earned money back. No need for drama.”

Sa isyung ito, sino nga ba ang nagsasabi ng tutoo, si Sunshine na nag-invest (bumakas sa negosyo ni Dupaya?) at nalugi or ang ipinautang ng aktres na may malaking tubo as promised ng “friend” niya?

Sa kaso naman ng negosyanteng si Joel Cruz, ‘di ba matagal na siya nagnenegosyo? Alam na niya ang pasikot-sikot na kung may panlolokong motibo si Dupaya sa kanya, bakit naisahan siya? Just wondering and not to forget ang isyung BIR na dapat magpaliwanag si Cruz ayon sa akusasyon ng Brunei businesswoman.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING