Sunshine Cruz, sume-sexy dahil sa toothpaste

ADVERTISING

Sunshine Cruz, sume-sexy dahil sa toothpaste

Sunshine-CruzSWAK ANG pagkuha ng Brady Pharma kay Sunshine Cruz bilang endorser ng toothpaste nilang White Glo. Na-shock nga kami nu’ng una, ba’t ang picture ni Sunshine ay naka-two-piece? Ano’ng kinalaman ng toothpaste sa katawan niya?

‘Yun pala naman, bukod sa pagdyi-gym ay dito rin sa toothpaste na ito ibinibintang ni Sunshine kumbakit siya nananatiling sexy at parang walang anak.

“Ito kasing toothpaste na to has unique and effective homeopathic herbal formula that controols your appetite and reduces your desire to overindulge.” Saka nu’ng pictorial daw ay ang gusto niya talagang isuot ay one-piece, “Parang sinadya nilang ‘wag magdala ng one-piece, kaya ayun, nag-two-piece ako na bumagay naman.”

Nilinaw rin ng may-ari ng Brady Pharma na walang sangkap na “Hanni” este “honey” ang kanilang toothpaste, kaya ang itinanong namin kay Sunshine ay, “Puro salad na lang ba ang kinakain mo, kaya ka payat? Like Cesar… este, Ceasar’s Salad?” na natawa na lang si Sunshine. Hahahaha!

ADVERTISING

 

SINO’NG BET n’yo sa #TheVoiceKidsFinale sa Sunday?

Kami? ‘Yung totoo? Si Darren Espanto, ang pambato ni Sarah Geronimo. Very powerful ang boses at total performer talaga. Ang kaso, ang nangunguna yata sa botohan ay si Lyca, isa pang pambato ni Sarah. Oh, well, let’s just wait and see.

Pero sa totoo lang, ang The Voice Kids Philippines ay naging bahagi na ng weekend ng bawat pamilya. Kaya naman ang taas-taas ng ratings lagi nito. Kaya congrats sa lahat ng bumubo ng show na ito, grabeng nakakaadik!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING