Sunshine Cruz saludo sa kabaitan at professionalism ng young cast ng ‘Bagong Umaga’

Leo Bukas
KAKAIBANG experience para kay Sunshine Cruz ang makipaglaban sa COVID-19 virus na nakuha niya sa set ng Bagong Umaga pero hindi raw siya nagsisisi na tinanggap ang teleserye ng ABS-CBN.

“No regrets, kasi I think isa kami sa mga nauna na nagkaroon ng lock-in taping sa Love Thy Woman. Nagkaroon rin kami ng COVID scare dun with kuya Christopher de Leon, pero kasi ang ABS-CBN naman, ever since grabe sila mag-alaga.

Sunshine Cruz saludo sa kabaitan at professionalism ng young cast ng ‘Bagong Umaga’
Sunshine Cruz

“So nung nag-la-Love Thy Woman ako hindi ko alam na may inquiry sa akin. I didn’t know na it was for Bagong Umaga. Pero ang tagal so naisip ko ay may bago ng napili. So siyempre na-sad ako kasi for me, basta ABS-CBN walang isang segundo yes ako. Ganun ko kamahal at ganun kalaki utang na loob ko sa ABS-CBN.

“Para sa akin, ganun na lang yung confidence ko with ABS-CBN when it comes to taking care of us sa magiging bubble, sa lock-in taping namin, and at the same time, I know that they always give me beautiful roles na talagang hindi ko maaaring tanggihan. So yung regret or pangangamba, kahit nagka-COVID pa ako, kung bukas may offer sa akin ang ABS-CBN, yes ulit,” tuluy-tuloy na pahayag ng aktres.

Inamin din ni Sunshine na nalulungkot siya na tapos na ang teleserye. Mami-miss daw niya ang kanilang bonding ng cast.

“Lagi kaming may chance to be able to bond. Kahit hindi namin off sa taping, kahit na hindi namin take, so may pagkakataon na sa tent namin na nakakapag-bonding at nakakapag-kuwentuhan kami,” sabi pa niya.

Patuloy ng aktres, “Nakakalungkot actually kasi mami-miss ko sila. Kasi parang nadagdagan yung mga anak ko sa set and I treat them like my children as well.

Sunshine Cruz saludo sa kabaitan at professionalism ng young cast ng ‘Bagong Umaga’
Sunshine Cruz

“Alam ko naman na may potential talaga sila and kapag nararamdaman ko talaga at nagagandahan ako sa ginawa nilang performance, I see it to it na talagang binabati ko sila at pinupuri ko sila. Nakaka-proud kasi sila talaga.”

Ang tinutukoy ni Sunshine na young generation of stars na super proud siya na nakasama sa Bagong Umaga ay sina Tony Labrusca, Barbie Imperial, Heaven Peralejo, Yves Flores, Michelle Vito at Kiko Estrada.

“Siyempre, nakakatuwa to be able to be given a chance to be working with them. Si Kiko kasi nakatrabaho ko ito, meron kaming Stepmother’s Lover na ginawa. Nakatrabaho ko at napakagaling na artista naman talaga aside sa pagka-guwapo.

“And then yung ibang mga artista na nabanggit ko napakagagaling and napakabit din. They are really professional,” wika pa ng aktres.