Sunshine Cruz sa basher ni Macky Mathay: ‘Magbago ka na!’

Leo Bukas

BIKTIMA rin ng pamba-bash ng bastos na netizen ang boyfriend ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay, half-brother ni Ara Mina. Si Sunshine ay regular na napapanood sa afternoon series ng ABS-CBN na Bagong Umaga samantalang si Ara naman ay nasa FPJ’s Ang Probinsyano na napapanood tuwing primetime.

Sunshine Cruz sa basher ni Macky Mathay: ‘Magbago ka na!’
Macky Mathay and Sunshine Cruz

Hindi nagustuhan ni Sunshine ang panlalait kay Macky at pagtawag ng isang Facebook user sa kasintahan niya ng “kalbo.” Hindi rin pinalampas ng aktres ang malisyosong komento ng netizen tungkol sa kanyang boyfriend.

Sa post ng aktres sa kanyang Facebook account ng mga litrato nila ni Macky kasama ang kanyang pamilya habang sinasalubong ang 2021 ay nakiusap ito na i-unfollow na lang siya kung sa tingin ng netizens ay offensive ang kanyang mga posts.

“Happy New Year guys! I share my photos pampa good vibes. If you find my posts offensive you can unfollow or just ignore it. 2021 na po.

“Let’s try to be better people. Artista po ako pero hindi po ibig sabihin may karapatan ang iba na bastusin ako o kami dahil wala naman po akong ginagawang masama sa kapwa ko,” mensahe ni Sunshine.

Hindi inasahan ng aktres ang malisyosong komento ng isang Facebook user na nagkomento na, “Kaya pala nag hiwalay kau ni Cesar montano dahil pala nyan ni kalbo dako man gud guro na bunal (Kaya pala nag hiwalay kau ni Cesar montano dahil pala nyan ni kalbo malaki siguro ang sandata niyan).”

Buwelta sa kanya ni Sushine, “I share my photos hindi para bastusin mo lang. 3 taon na kaming hiwalay ni Cesar ng makilala ko si Macky.

“Opo, kalbo siya pero palagay ko mas edukado at gwapo siya sayo. Happy New Year! 2021 na. Magbago ka na!”

Sa isang interview ay inamin ni Sunshine kung gaano siya kasuwerte na nakilala si Macky at naging karelasyon. Mahal na mahal din daw nito ang tatlo niyang anak na babae.

Aniya, “Importante si Macky sa akin, hindi lang inspirasyon ang nabibigay niya sa akin, kundi suporta rin at pagmamahal hindi lang para sa akin, kundi para rin sa mga anak ko. I am very blessed to have someone like him na hindi lang ako ang tanggap, kundi pati mga anak ko.