Sunshine Cruz, pinagtatawanan lang ang mga reaksiyon sa kanyang pagpapa-sexy

Sunshine Cruz, pinagtatawanan lang ang mga reaksiyon sa kanyang pagpapa-sexy

Sunshine-CruzWALA RAW gustong patunayan si Sunshine Cruz kaugnay ng mga lumabas niyang sexy photos kamakailan na naka-two piece siya. Natatawa na lang daw siya kung bakit may mga nagbibigay rito ng ibang kahulugan.

“Ang daming nagsasabi na ‘yong mga ibang mapang-intriga, sinasabi na I’m doing this para raw mapatunayan ko na kawalan daw ako,” reaksiyon nga ng aktres.

“Hindi. I’m doing this para mapatunayan ko sa mga tao, sa mga nanay na… not because meron kayong mga anak, magpapabaya na kayo. Ako, I have three kids. And it only means na kaya pa rin nating maging sexy or maging healthy at least. So, kailangang maging healthy tayo para na rin kung gusto ninyong humaba ang buhay ninyo, maalagaan pa ninyo nang matagal ang mga anak ninyo… e, ‘di maging fit tayo.”

Lately, ang ex-husband niyang si Cesar Montano has become open about his lovelife. May mga photos pang lumalabas sa social media na magkasama ang aktor at ang girlfriend nito na ang pinakahuli ay ang magkasamang panonood ng Ellen Degeneres show sa US.

“Kering-keri!” nangiting sabi ni Sunshine. “E, kung masaya siya e, ‘di good for him. Kasi ako, masaya rin naman ako sa piling ng tatlo kong anak.”

What bothers her now ay ang kanyang eldest daughter daw na nagsisimula na umanong putaktihin ng mga admirers.

“Maraming kuwento sa akin ‘yong thirteen year-old ko. Minsan naa-annoy, kasi maraming nagkaka-crush sa kanya. So, sinasabi ko lang… you have to tell me everything, okay? And if they continue to bug you, let me know… I will talk to them. It bothers her. Kinukulit siya like they tell her na… I like you, ‘yong mga ganyan. Tapos hinahawakan siya sa kamay.

Sabi ko nga… hindi pupuwede. Hindi ko kaya!” natawang sabi pa ni Sunshine.

Blooming ang beauty niya ngayon. I she seeing someone right now? May nanliligaw ba sa kanya?

“Gusto ko munang matapos (ang usapin sa pagitan nila ni Cesar) at ma-annul ako bago ako pumasok sa another relationship. Kasi I will be unfair to the guy. Kasi… itatago lang kita. Hindi ka pa rin puwedeng makita. Kasi biglang madya-judge tayo.

“And ang sa akin naman, as long as wala kang inaapakang tao… go! ‘Di ba? If the person will make you happy and inspired, e… two years na naman akong mahigit na hiwalay, ‘di ba? Pero sa ngayon, talagang wala pa talaga. Takot yata sila dahil sa marami akong pinagdaraanan!” natawa ulit na huling nasabi ni Sunshine.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan